Chapter 12- The Playboy's Downfall

37.4K 1K 73
                                    

JACE

Kanina ko pa tinatawagan si Pepsi pero hindi talaga siya sumasagot sa'kin. Kagagawan ba niya ito? Seryoso ba talaga ang mga rumors?

No. No. No. Hindi pwede. Hindi siya isang mangkukulam...

Mukha lang!

Witches don't fucking exist! Hindi ko alam kung bakit parang nadisappoint ako na ewan.

She can't be a witch...She should not be a witch...

I dialed Zeus' number.

"Dude, ang aga-aga naman..." antok na sagot nito sa pang anim na ring.

"Dude, may itatanong lang sana ako."

"Masiyado bang importante 'yan para istorbohin mo ang tulog ko?"

"Naalala mo yung lalaking nag rape kay Pepsi before?"

"Oh, bakit? You wanna follow what he did? Dude, that's foul!" parang biglang nakainom ng energy drink ang boses nito.

"I don't need to rape her..." I scoffed, then continued, "Anyway, may idea ka ba kung paano siya naging aso?"

Bahala na if I sounded ridiculous.

Inilayo ko ang phone sa tainga ko nang bigla itong tumawa ng malakas.

"Jace, pare, don't tell me magiging aso ka na?"

Parang ganun na nga?

"I'm just asking and I'm damn serious." seryosong tugon ko.

Zeus cleared his throat before speaking again.

"Sa pagkakaalam ko ay maraming nangyaring weird stuff sa lalaking yun bago siya tuluyang nawala at isang araw na ay nagconclude na lang ang parents niya na siya yung asong ayaw umalis sa bahay nila. The mother said na magkamukha sila ng aso."

"Like anong mga...weird stuff?" Ang lakas ng tibok ng puso ko.

"I really don't know, dude...ano ba ang early signs na magiging aso ka na? Magkaka fur ka? Kamot nang kamot?"

Anak ng putang ipis...

Napalunok na lang ako.

"Jace, may problema ba? Tell me." seryoso na ito.

"Wala naman. Sige, dude, I'll see you later."

I ended the call bago pa ito magduda sa nangyayari sa'kin.

Walang hiya ka talagang weirdo ka...

Nang dahil lang sa halik? Eh mukhang she enjoyed it naman eh. I have to confront her later.

Parang nagkasugat-sugat na ang balat ko sa nonstop kamot mula kanina.

Pumunta ako sa room nina Dad para humingi ng tulong pero wala sila doon. Anak ng putang pating naman ito oh. Mga walang kwentang mga magulang talaga!

Hinalughog ko ang buong kwarto para hanapin ang mga medicine supplies ni Dad. Wala kasing anti-pruritic (itching) drugs sa medicine box sa baba.

Nang mahanap ko ito ay dali-dali akong uminom ng dalawang tablets.

Nahihilong bumalik ako sa kwarto. Antok pa rin ako at saka maaga pa kaya naisip ko munang umidlip to forget about this damn hair growth. Baka naman kasi nananaginip lang ako.

Isa. Isang beses kong kinurot ang sarili ko sa loob ng isang minuto.

Dalawa. Dalawang tabletas ang ininom ko para makuha ang kati.

Tatlo. Tatlong beses akong kumurap pero mahaba parin ang buhok ko.

Apat. Apat na beses kong kinumbinse ang sarili ko na hindi ito sumpa at hindi mangkukulam si Pepsi—si Pepsi na apat na klase ng kulay lang ang mga damit: itim, itim at itim.

The Witch and the Playboy (Filipino) (Published under Lifebooks)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon