AYA'S POV:
sa wakas nakauwi na rin tayo dito, excited na po akong umuwi sa bahay.
ANAK, may surpresa kami sayo. limupat kasi tayo sa isang subd. hindi lang tayo kundi halos lahat ng kapit bahay natin. explain ni Mama.
Saan naman p o tayo lumipat ma? Ayaw niyo na po ba sa dati nating bahay? tanung ko, hindi naman sa ganun anak, siyempre naka ipon si Papa mo kaya....
oh! andito na tayo, huminto na ang sasakyan ng tumingin ako sa bintana? Ang laki laki ng bahay, westernized siya. parang yung mga mansion din sa Pilipinas. Ang ganda ganda. Lumingon ako sa iba pang bahay, Malalaki ang mga ito pero hindi naman sa pagmamayabang pinakamalaki ata yung sa amin.
Pagpasok namin sa gate? wow! may swimming pool sa gilid may mini garden tapos may ceranda sa 2nd floor. Ang ganda ganda talaga ang laki laki!
ma? binili nyo po ito ni papa? parang ang laki laki naman po ito masyado habang tumitingin ako sa buong bahay.
Ou naman anak, at hindi lang itong bahay, kundi ang buong subd. may sports park sa unahan at may plaza pwede kayong pumunta doon ng mga kaibigan mo.
talaga ma? umiikot pa rin ang paningin ko sa buong bahay. diba? sabi ko naman na makakaahon tayo? ito ang naging bunga ng lahat ng pinag sikapan ng Papa mo, ang ganda diba? dito tayo magsisimula ng bagong buhay anak.
Hindi pa rin ako makapaniwala na sa amin tong bahay na ito at ang buong subd. dati kasi hirap na hirap kami sa maliit naming bahay, pero nangako kasi si Papa na makaka ahon kami, iyon nga ang rason kung bakit ako pinadala muna sa Pilipinas para hindi ko maranasan ung paghihirap nila Mama at Papa bago sila magtagumpay sa buhay.
tara, pasok na tayo sa loob. pagkabukas na pagkabukas ng pinto? wow, ang ganda ganda may malaking chandilier sa kisami ng sala, ang laki laki ng TV flat screen, may mini bar at ang ganda ganda ng kusina at dinning area.
Maligayang pagdating po Maa'm Aya! bati ng dalawang Yaya habang nakayuko.
Ah! hindi nyo na po kailangan umuko sa akin. hindi po ako sanay eh, at tsaka po pwede na po ang Aya! Aya lang po ang itawag ninyo sa akin. sinasabi ko habang pinipigilan silang yumuko sa akin.
Ang bait bait talaga ng anak ko, hindi ka pa rin talaga nagbabago. tama yang pinapakita mo na ugali anak kahit man sabihin nila na umasenso tayo? dapat pa rin magpakumbaba.
Aya, ito si Yaya Minda, ito naman si Yaya Mary mga Pilipino rin sila. pinapapakilala ni Papa silang dalawa.
talaga po? mga Pilipino po kayo? ang saya naman hindi ako ma hohome sick nito. Salamat Ma, salamat pa! sabay yakap sa kanila. Yaya Minda at Yaya Mary pwedeng Ate Minda at Ate Mary nalang ang tawag ko sa inyo? hindi po kasi ako sanay tumawag ng Yaya eh!
napakabait mu naman iha, sige kung yan ang gusto mo..sabay ngumiti silang dalwa.
Sige sige, Minda? nakapag handa na kayo ng tangahlian? medyo nahapunan na kami eh! mukhang gutom na itong si Aya. tanung ni Mama
Anong si Aya lang ang gutom? ako rin noh? sabay singit ni Papa, tuamawa lang kaming tatlo, pati nga sila Ate Minda ay natawa sa sinabi ni Papa.
Sobrang saya talaga ng araw na ito.
tara, pupunta tayo sa kwarto mo iha, iiwan mo muna kanila Meding yang mga dala mong gamit.
BINABASA MO ANG
MOVE ON (on going)
Teen FictionAfter ng mga magulong ngyari sa buhay ni Patrick pinili niyang mangibang bansa para makapag MOVE-ON. Naki tuloy siya sa Tita niya sa Japan at dun na niya ipagpapatuloy ang bagong buhay niya. wala siyang kaalam alam sa bansang un maliban sa mga napa...