AYA'S POV:
Ah!!! Pati ba naman sa panaginip? Andun yung lalaking yun? Ahh!!!! Bigla tuloy ako naalimpungatan.
Tok...tok...tok..
Aya, gising ka na? nakahanda na ang umagahan baba ka nalang ah? May lilinisin pa ako sa baba eh. Sabi ni ate Mary.
Sige po Ate Mary susunod nalang po ako.
Dahil feeling ko na sobrang kulang pa yung tulog ko nahiga ulit ako mea mea pa.
GRRRR.....
Sheeks! Hindi naman marunong makisama tong tiyan ko, naantok pa nga ako eh. MAkababa na nga.
Bumaba ako ng hindi nagsusuklay at nakapajama balak ko sanag matulog ulit pagkatapos kong kumain. Pagpasok ko sa kusina.
Ate Ma.....
Good morning!!! Ang tagal mo naman po bumaba, mukhang ang sarap sarap ng tulog mo ah? Sabay ngiti
Oo sino pa kaya ? e di si Patrick at feel at home siya. Umiinom ng kape at tinitingnan yung magazine.
Hoi, mukhang naligaw ka ata ng kusina na pinasukan mo? Ang aga aga pinapainit mo ang ulo ko! At ditto ka pa talaga nagaalmusal ah? Bakit? Tinakwil ka na ni Tita Lorns dahil masama ang ugali mo? Suplada kong sabi sa kanya.
Eto naman eh, an gaga aga high blood? Sige ka tatanda ka agad niyan.haha! pacute niyang sabi.
Ate Mary? Sino po bang nagpapasok sa lokong to?
Ah! Kasi Aya....sige po Ate Mary ako na pong magpapaliwanag sa high blood niyong amo. Sabay tawa niya.
Ganito po kasi yan eh, sinabihan po ako ni Mama mo na bantayan po muna daw kita habang wala sila ni Tita Lorns, ang sabi nila maggogrocery daw muna sila para sa dinner mamaya, KAsi ang sabi ni Mama mo ditto daw kami kakain ni Mama kasi dalawa lang naman daw kayo mamaya dito sa bahay. At sabi pa ni Mama mo ipagluluto mo raw ako ng hapunan kaya yun andito ang inyong lingkod. Sabay ngiti.
Hoi, kung magluluto man ako mamayang gabi sila Mama at Tita Lorns lang ang pakakainin ko noh? Tinarayan ko siya.
Hindi ka pa ba kakain? Masamang pinaghihintay ang pagkain! Alam nyo po ba yun? Oh! Ang sarap nito oh! Saying naman. Habang tinuturo niya yung ulam.
Naku kung hindi lang talaga masamang ipagdamot ang pagkain. Pasalamat siya at kahit papaano mabait pa rin ako a kanya.
Ui! Nakalimutan ko palang sabihin. Ang ganda mo ngayon ah? Haha!!
Napahinto ako sa sinabi niya.
Sobrang ganda talaga!! Talo mo pa yung mga models ditto sa magazine oh! Haha!
Naku Im sure aasarin nanaman ako ng lalaking to.
Matanung ko nga gaano ba kalakas ang aircon sa kwarto mo at super ganda ng hairstyle mo? At tsaka isa pa, sure ka ba talagang kakain ka na? o matutulog ka pa sa suot mo? Haha.
Naku, nakakairita na talaga tong lalaking to.
Ewan ko sayo!!! Che!!! Binack outan ko siya at dumiretso ako sa kwarto at tumingin sa salamin!
AHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Nakakainis na talaga yung lalaking yun!!!!!!!!!!!!!!!!! Pa sigaw kong sabi. Pagkatapos nun nag palit na ako ng damit. Naka tokong at Loose na T-shirt ako ngayon na BATMAN. Bumalik na ako sa kusina.
Ang tagal mo naman bumalik at bakit ka sumigaw? Nagulat ka bas a itsura mo nung tumingin ka sa salamin? Hahah! Pangasar niya.
Ikaw! Sumosobra ka na talaga!!!! Inis na inis kong sabi sa kanya.

BINABASA MO ANG
MOVE ON (on going)
Teen FictionAfter ng mga magulong ngyari sa buhay ni Patrick pinili niyang mangibang bansa para makapag MOVE-ON. Naki tuloy siya sa Tita niya sa Japan at dun na niya ipagpapatuloy ang bagong buhay niya. wala siyang kaalam alam sa bansang un maliban sa mga napa...