Chapter 1

20.2K 305 2
                                    

Chapter 1:

NARARAMDAMAN ko na ang hilo dulot ng alak. Nakailang shot na nga ba ako ng tequila? One. Two? Apat na ata? Hindi ko na alam. Basta nahihilo na ako. Nagsisimula ng magdoble ang paningin ko.

This is not my first time drinking a liquor pero hindi ako umiinom ng matatapang na alak. Maybe one shot of tequila is enough for me. Dahil sa udyok ng mga kaibigan ko, pilit nila akong pinainom. At ako naman si gaga, hindi makatanggi dahil may utang pa ako sa kanila. Halos isang taon din kasi kaming hindi nagkita-kita.

Sumandal ako sa malambot na couch na kinauupuan ko. I closed my eyes and massage my temples. Sumasakit na talaga ang ulo ko. I'm sure that I will regret drinking tomorrow. Buti na lang at naka-leave ako dahil sa pagbisita namin nila Summer at Rain sa lola namin. Kundi ay maghahabol ako sa oras bukas.

Nagkayayaan ang mga kaibigan kong sumayaw sa dance floor. Niyayaya nila ako pero tumanggi ako. Baka matumba ako kapag sinubukan kong tumayo. Iidlip muna siguro ako saglit para ayos na ako kapag pauwi na kami.

Nakarinig ako ng pagbaba ng isang baso sa table na nasa harapan ko. I opened my eyes. Isang waitress ang bumungad sa nahihilo kong paningin.

"Yes?" I asked.

"Orange juice po, Ma'am. Ipinapabigay po ng boss namin sa inyo. Pampatanggal daw po ng hilo niyo." May itinuro pa siya sa hindi kalayuang lamesa sa amin. I just nodded at her and wait for her to leave.

Nang makaalis siya, ininom ko ang juice na nasa harap ko. Napakalamig nito and it tastes good. Medyo nahimasmasan nga ako dahil doon. Nawala ng konti ang pagdodoble ng paningin ko.

Tinignan ko ang lamesang itinuturo sa akin ng waitress kanina. Inaninag ko talaga ng mabuti para makita ang boss niya na nagbigay raw nito.

Kumalagabog ng malakas ang dibdib ko nang makita ang isang lalaking mala-adonis sa kagwapuhan. Naka-itim na V-neck shirt lamang siya at pants. And God! He's so handsome. Mukha siyang modelo.

Seryoso ang mga mata siyang nakatingin sa akin. Halos hindi niya ako nilubayan ng tingin. I felt so conscious. May dumi ba ako sa mukha kaya ganyan siya makatitig? Shit. O baka naman may nilabag akong rules dito sa bar niya?

Napalunok ako. Kahit na nakita niya akong nakatingin sa kanya, hindi man lang siya nag-iwas ng tingin. I looked away. Napakalalim ng pagkakatitig niya sa akin at hindi ko iyon matagalan.

Ipinikit ko ulit ang mga mata ko. Sinusubukan kong makatulog kahit saglit pero hindi pumapayag ang katawan ko.

"Hi, beautiful."

I opened my eyes again. Parang kasi ako ang kinakausap. Halos marinig ko na kasi ang boses na iyon malapit sa tenga ko.

I saw a handsome guy. I know him! He's Callier, a model. Crush na crush siya ng kapatid kong si Rain kaya namukhaan ko kaagad siya. He's just sitting beside me. Sobrang lapita ng mukha niya sa akin.

"What can I do for you?" I politely asked.

Ngumiti siya, revealing his dimples. "Let's dance?"

I smiled at him. "I'm sorry but I'm already dizzy. Maybe later?"

Tumango siya at ngumiti. Tumayo na rin siya at hinawi ang buhok na tumatabing sa mukha ko. "Puntahan na lang ulit kita mamaya. I'll just have a drink."

I nodded. "Sure. See you later."

Nag-thumbs up siya at nagsimula ng maglakad palayo sa akin. Sumandal ulit ako at pumikit. I really need to take a nap. Kailangan okay na ako mamaya kapag pauwi na.

Hindi pa nakakalipas ang limang minuto nang may magsalita ulit. Iminulat ko ulit ang mga mata ko. Nakaupo sa tabi ko ang lalaking nagbigay raw sa akin ng orange juice. Ang boss daw nila dito.

Unwanted Pleasure(MontelloSeries#2)[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon