Chapter 13:
I CAN feel Lordan's fingers playing with my hair. Napamulat ang mga mata ko. Nakita kong mataas na ang araw. Sobrang liwanag na. Nakahiga pa rin ako sa dibdib niya.
"Good morning, baby." He said.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya at nginitian ko siya. Kinusot ko ang mga mata ko dahil baka may muta pa ang mata ko. Nakakahiyang humarap sa isang demi-god na kagaya niya.
"Morning." I answered. "Anong oras na? Hindi ka ba papasok sa opisina?"
Umiling siya at hinaplos ang pisngi ko. "I want to have a bonding with my wife."
"Wife?"
"Yes. Aangal ka?"
I smirked. "Paano kung aangal ako?"
He laughed. "I'll rape you. Dito lang tayo sa kwarto hanggang maggabi. Papagudin kita." He smirked.
I laughed. "Hindi po ako umaangal, my Lordan. Let's eat breakfast?"
Tumango ito. Umalis ako sa pagkakadantay sa kanya. Umupo rin siya at inalalayan akong tumayo. He's so sweet!
Sabay kaming pumasok ng banyo. Aabutin ko na sana ang toothbrush ko pero siya ang unang kumuha nito. Nilagyan niya ng toothpaste ang sipilyo ko at iniabot sa akin. I said 'thanks'. Ngumiti lang siya sa akin at nilagyan na ang sarili niyang sipilyo ng toothpaste.
Nagsimula na akong magsipilyo. Nakatingin lang ako sa repleksiyon niya sa salamin. Nagsimula na rin siyang magsipilyo. Kahit na may bula ang labi niya, hindi iyon nakabawas sa nag-uumapaw niyang kagwapuhan.
Humawak siya sa bewang ko. Nanatili ang mata ko sa repleksiyon namin sa salamin. I can see happiness in our eyes. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. It makes me feel so alive.
Huminto siya sa pagsisipilyo pero hindi pa rin nagmumog. "Where's your phone?" He asked.
"Nasa bag. Why?"
"Don't move. 'Wag ka munang magmumog. Wait."
Dali-dali siyang lumabas ng banyo. Kunot-noo ko siyang sinundan ng tingin. Anong trip n'on? Pagbalik niya'y dala na niya ang cellphone ko at ang cellphone niya.
Itinutok niya ang camera ng cellphone niya sa salamin. Kitang-kita ang repleksyon naming dalawa. Hinawakan niya ang bewang ko. Nasa bunganga niya ang sipilyo. Pinindot niya ang capture icon ng cellphone niya.
Ilang pose pa ang ginawa namin. May naka-pout ako at naka-peace sign siya. Mayroon pang sabay kaming nagduling-dulingan. Para kaming mga teenager. Cellphone ko naman ang kinuha niya at nakailang shots din kami.
Pagkatapos ng nakakakilig na pagsisipilyo, lumabas na kami ng banyo. Dumiretso siya sa cabinet at kumuha ng T-shirt. Isinuot niya iyon para matakpan ang hubad niyang itaas.
Kinuha ko naman ang suklay at nagsimula na akong magsuklay.
Nagtama ang mga mata namin. Nginitian niya ako at ginantihan ko rin siya ng ngiti. Lumapit siya sa akin dala-dala ang cellphone ko. Iniabot niya sa akin ito.
"I changed your wallpaper." Paalam niya.
Binuksan ko naman ang cellphone ko at napatingin sa screen lock. Iyon ang picture naming duling parehas. I smiled. I slide it to unlock. Bumungad sa akin ang wallpaper na picture naming dalawa. Nakahalik ang labi niyang may bula pa rin sa akin. Nakatawa ako doon na halos wala na akong mata.
Naramdaman ko na naman ang kakaibang saya. Sabi niya, wallpaper ang pinalitan niya pero pati ang screen lock ko, nadamay. Hindi ako nagreklamo. Nginitian ko lang siya ng ubod ng laki. Kinikilig ako.
BINABASA MO ANG
Unwanted Pleasure(MontelloSeries#2)[COMPLETED]
RomanceAutumn Blaire Montello, Winter's sister, is a good girl. Wala siyang bisyo. Hindi siya masungit. Hindi siya palaaway. Pero mahina siya, hindi niya kayang ipagtanggol ang sarili niya. She's not like her sister. One time, when she was in a bar, she me...