Chapter 9:
HAWAK-HAWAK ni Miley ang kamay ko habang naglalakad kami palabas ng comfort room. The little girl I met on comfort room is Miley. She's seven years old.
"Daddy!" She shouted.
Hinila niya ako papunta sa tinawag niyang Daddy. Lumapit siya sa isang table na hindi kalayuan sa table namin. May isang lalaking nakaupo doon at isang batang lalaki. Agad na napaikot ang mata ni Miley nang makita ang batang lalaking nasa table nila.
"Daddy!"
Lumingon ang isang lalaking may asul na mata. Nilingon nito si Miley at nginitian. Agad na nabaling ang tingin niya sa akin. Napaawang ang bibig niya. I smiled at him. Nakatitig lang siya sa akin.
"Dad!" Tawag ulit ni Miley. Ito pala ang ama niya.
Parang natauhan naman ang tatay niya at napatingin kay Miley. Pero sinusulyapan pa rin ako nito ng ilang beses.
"What took you so long? Andrei is waiting."
"Dad! Andrei is always around me! I don't like him near me." Pagmamaktol niya.
"Miley..." Nagbabanta ang boses nito.
Nakasimangot na tumahimik si Miley. Hawak pa rin niya ang kamay ko.
Binalingan ako ng ama niya. "Sorry if my daughter disturbed you."
"No. She didn't disturb me. I can say that your daughter is adorable."
Ngumiti siya sa akin. "Henry." Inilahad niya ang kamay niya sa akin.
Malugod ko naman itong tinanggap. "Autumn."
He nodded and smiled. Iminuwestra niya ang upuan sa tabi niya. "Have a seat. Join us."
"May kasama ako." Itinuro ko ang table namin. Nakita kong nakatingin si Scorp sa akin at may binulong.
Naglakad siya palapit sa kinaroroonan ko.
"Lady, Young man wants you to go home now."
"Is he mad?"
Nagkibit-balikat siya. "Let's go, Lady."
Tumango ako at hinarap ang table nila Miley.
"I'll go now." Paalam ko.
"Big sis, can I have your number?" Ani Miley.
"Sure."
Ibinigay ko ang numero ko sa kanya bago kami umalis ni Scorp. Tumayo naman agad si Mamba nang marating namin ang table. Sabay-sabay kaming lumabas.
Pinagbuksan ako ni Scorp ng pinto bago siya pumasok ng sasakyan.
Habang nasa loob ng sasakyan, pinapakialaman ko ang bagong teleponong binili ko. Sinave ko na ang numero ni Rain, Sky, Summer at Ate Winter. Tinext ko sila at kinuha ko ang numero nila Mama at Papa. Ibinigay naman agad ni Rain at sinave ko na rin.
Bumusina ang sinasakyang namin kaya napalingon ako sa labas. Nandito na pala kami. Binuksan ang gate at agad kaming pinapasok. Bumaba ako nang huminto na ang sasakyan.
Naabutan ko si Lordan na nakatayo sa hamba ng pintuan. Nakahalukipkip siya at madilim ang mukha. Naglakad ako palapit sa kanya.
"Hi." Nakangiting bati ko.
"Go inside." Malamig na aniya.
Naglakad siya papasok sa bahay nang hindi man lang ako nililingon. Napakunot ang noo ko. Okay naman kami kagabi, a? Bakit ganito siya?
BINABASA MO ANG
Unwanted Pleasure(MontelloSeries#2)[COMPLETED]
RomansaAutumn Blaire Montello, Winter's sister, is a good girl. Wala siyang bisyo. Hindi siya masungit. Hindi siya palaaway. Pero mahina siya, hindi niya kayang ipagtanggol ang sarili niya. She's not like her sister. One time, when she was in a bar, she me...