Chapter 20

11K 148 1
                                    

Chapter 20:

MONTHS had passed. Sinusubukan kong kalimutan ang masalimuot na nangyari sa anak namin. Pero may isang bagay akong hindi kinakalimutan sa pangyayaring iyon, ang munting anghel ko. Kahit na magkaanak ako, ituturing ko siyang pangalawang anak ko - si Miley ang una, syempre.

"Dad, pakikuha 'yong harina." I said.

Tumawa si Daddy Arnold at kinuha ang pinapakuha ko. Iniabot niya ito sa akin. Nakangiting nagpasalamat ako sa kanya.

"Hija, matagal pa ba 'yan?" Aniya habang nakahawak sa kanyang baba.

Napatawa naman ako. Ilang beses na niyang tinanong sa akin iyan. Excited na excited siya sa ginagawa kong cupcake.

Daddy Arnold insisted to call him Daddy. Nahihiya pa nga ako n'ong una pero kalaunan, nasanay na rin. Halos araw-araw kasi siyang nasa bahay. Pinipilit niyang bumawi sa mga pagkukulang niya kay Lordan. I heard that Lorjan talked to Daddy Arnold. Sinabi ni Lorjan lahat ng pinagdaanan ni Lordan.

Naantig ang puso ko dahil sa ginawa ni Lorjan. Nang minsang makausap ko siya, sinabi niyang iyon ang way niya ng paghingi ng tawad sa nangyari. Kahit na hindi ko siya sinisisi sa nangyari, natuwa pa rin ako sa effort niya.

Everything is fine and I hope that it won't end soon.

"Dad, 'wag ka nga pong excited. Mamaya pumalpak ako, e."

Lumapit siya sa kinaroroonan ko at tinignan ang ginagawa ko. Focus na focus talaga siya sa panonood.

"Anong oras daw po ba darating sila Kuya Lance?"

Kuya Lance is one of Lordan's brother. Siya ang pinakamatanda na sinundan ni Kuya Logan, Lorjan at syempre ang bunso, si Lordan ko. 'Di tulad ni Daddy Arnold, minsan lang silang madalaw dito.

"Nako, 'wag mo na silang hintayin. Alam mo naman ang mga anak ko, workaholic."

"May pinagmanahan." Natatawang saad ko.

Ipinasok ko na ang mixtures sa oven. Pinindot ko na rin ang timer.

I saw Dad looking at my phone. Nakangiti siya.

"Ang cute niyo talaga ni Lordan. I didn't know na may ganito siyang side."

Lumapit ako sa kinaroroonan niya at tinignan ang tinitignan niya sa cellphone ko. Napangiti rin ako nang masulyapan ang mga wacky picture namin ni Lordan.

"He's kinda childish, Dad. Lalo na kapag kami lang ang magkasama."

Nakita ko ang biglang paglungkot ng ekspresyon niya. "I'm not lucky enough to know that. Lagi ko lang siyang nakikita as 'The almighty workaholic chick magnet Lordan Montano'."

Tinapik ko ang likod niya. "Marami pa kayong oras para mabawi ang mga nasayang na panahon, Dad. 'Wag ka ng malungkot. Pumapangit ka, o."

Tumawa siya at nagscan ulit ng mga picture namin ni Lordan. Napapangiti na lang ako dahil sa ginagawa niya. He really loves Lordan. Nararamdaman at nakikita ko iyon.

"What's happening here?"

Napalingon kaming sabay ni Daddy Arnold sa pintuan. I saw Lordan in his suit. Nakatayo siya roon at mukhang kagagaling lang ng opisina.

Lumapit siya sa kinaroroonan ko at niyakap ako mula sa likuran. Hinalikan niya ang balikat ko.

"How's your day, baby?"

Nilingon ko siya at nginitian. "Awesome."

Nagsimula na siyang halikan ang batok ko. Napapahagikgik ako tuwing tumatama ang labi niya sa parte na may kiliti ako.

Unwanted Pleasure(MontelloSeries#2)[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon