Chapter 18:
MADALING araw na nang maalimpungatan ako. Wala pa rin sa tabi ko si Lordan. Mag-isa akong nakahiga sa malamig na kama.
Hinawakan ko ang parte kung saan siya humihiga. Lahat talaga ng bagay, nagbabago. Noon, kapag naaalimpungatan ako ng madaling araw, makikita ko siyang nakayakap sa akin habang mahimbing na natutulog. Now, wala pa rin siya sa tabi ko.
Saan naman kaya siya pumunta? Galit pa rin ba siya sa akin kaya hindi siya umuwi? I miss him. Saan kaya siya natulog? Hindi ako mapakali.
Tumayo ako at pumasok ng banyo. Naligo ako. Tuwing napapadiin ang pagkakahawak ko sa braso ko, napapadaing ako.
Tinitigan ko ito. Nagkapasa na naman ako. Pero ngayon, hindi ko ininda ang sakit nito. Mas nangingibabaw ang sakit ng kalooban ko.
Gusto kong magpaliwanag sa kanya ng paulit-ulit. Gusto ko siyang kausapin ng maayos at ipaintindi ang lahat. Hindi nga pala siya nagtitiwala sa akin, paano niya ako papaniwalaan? Kahit isang daan o libo pang paliwanag ang sabihin ko sa kanya, hindi niya papakinggan. Side niya lang ang iniisip niya. Akala niya kasi siya lang ang nasasaktan.
Pero sinong nagsabing susuko ako? No. Kung kailangan ko siyang puntahan ngayon, pupuntahan ko siya. I'll find him.
Nagbihis agad ako nang makalabas. Simpleng palda at itim na blouse lang ang isinuot ko. Hindi ko kailangan ng magandang suot. Hahanapin ko lang si Lordan.
Madilim ang hallway na nilakaran ko. Sigurado rin ako na wala ng tao dahil madaling araw na. Tanging tunog lang ng paghakbang ko ang naririnig. Sobrang tahimik sa buong kabahayan.
Tinawagan ko ang numero ni Larisse. Naibigay niya ito sa akin nang pumunta ulit ako roon. Naging magkaibigan na kami dahil madalas ko siyang makasamang magshopping.
After two rings, sinagot niya ang tawag ko. Tahimik ang background niya. Akala ko nga ay tulog pa siya.
"Hello?"
"Hello, Autumn? Bakit ka napatawag?"
"Nagising ba kita? I'm sorry."
"No. Nasa opisina pa ako, Autumn. Galit na galit si Mr. Montano kanina. Pinag-overtime niya kaming lahat."
Nakagat ko ang ibabang labi ko. Alam kong kasalanan ko kung bakit. "Nandiyaan pa ba si Lordan?"
"Oo. Hindi na lumabas ulit sa opisina niya. Pauwi na rin ako. Tinambakan niya kami ng trabaho."
Napatingin ako sa orasan. Ala una na ng madaling araw. Mukhang napakaraming tinambak sa kanilang trabaho ni Lordan. Ganito ba siya kagalit? Damn.
"Naghapunan ba siya?"
"Hindi ata. Hindi siya nagpaorder ng pagkain. Hindi rin siya lumabas."
"Sige pala. Salamat, Larisse. Pasensya sa abala."
"Wala 'yon, Autumn. Oo nga pala, Mr. Lorjan Montano is here."
![](https://img.wattpad.com/cover/119464764-288-k192073.jpg)
BINABASA MO ANG
Unwanted Pleasure(MontelloSeries#2)[COMPLETED]
RomanceAutumn Blaire Montello, Winter's sister, is a good girl. Wala siyang bisyo. Hindi siya masungit. Hindi siya palaaway. Pero mahina siya, hindi niya kayang ipagtanggol ang sarili niya. She's not like her sister. One time, when she was in a bar, she me...