Chapter 19

9.9K 149 0
                                    

Chapter 19:

PUTING kisame, puting dingding, puting kama at puting kumot ang una kong nakita.

Sinubukan kong gumalaw pero naramdaman ko ang labis na pananakit ng tiyan at puson ko. Hindi ko alam. Basta, ubod ng sakit. Kumikirot at parang may winawarak.

Napadaing ako.

"Autumn."

Napatingin ako sa tumawag sa pangalan ko. I saw Lordan looking at me with concern. Blangko lang ang naging ekspresyon ko.

"Are you okay?"

"A-anong nangyari?"

Gumuhit ang sakit, takot at pag-aalala sa mukha niya. Gusto ko siyang tanungin kung bakit pero mas gusto kong malaman kung bakit ako dinala rito.

"Hinimatay ka sa kompanya at..."

"Dinugo ako." Pagpapatuloy ko.

Malinaw na malinaw pa sa akin ang dugong umagos sa pagitan ng hita ko. Pati ang dugong bumalot sa kamay ko ay malinaw na malinaw pa sa alaala ko.

I held his arm. "Bakit? May sakit daw ba ako?"

Yumuko siya. Hindi niya ako sinagot. Parang natatakot siyang sabihin kung anong diperensya sa akin. Gusto kong malaman. Baka may taning na ang buhay ko pero wala pa akong kaalam-alam.

"Lordan, anong sakit ko?"

Nag-angat siya ng ulo. Pilit siyang ngumiti sa akin. "Tatawagin ko lang ang doktor."

"Sagutin mo muna ang tanong ko."

"Hayaan nating doktor ang magsabi sayo."

Umalis siya sa pagkakahawak ko. Laglag ang kanyang balikat na naglakad palabas.

Ayaw niyang sabihin kung anong sakit ko. Malala ba? Natatakot ba siyang malungkot ako kapag nalaman ko?

Pagbalik niya, kasama na niya ang doktor. Nanatiling malungkot ang ekspresyon niya. Nilalamon na ako ng pagtataka. Bakit ba ganito siya?

Ngumiti sa akin ang Doktor. "Kamusta ang pakiramdam mo?"

"Okay na po, Doc. Sumasakit lang ang tiyan ko."

Tumango siya. "That's normal."

"Doc, may sakit ba ako? Why am I here?"

Nagkatinginan sila ni Lordan. Lalong lumungkot ang ekspresyon niya.

Humarap ulit sa akin ang doktor. "I'm sorry, Mrs. Montano, but you had a miscarriage."

Miscarriage? Nakunan? Ako? Parang nagunaw ang mundo ko sa narinig. Ibig sabihin, buntis ako? At hindi ko man lang alam?

Napatulala ako. Wala na akong marinig na kahit ano sa paligid ko. Paulit-ulit lang na nagrereplay sa utak ko ang sinabi ng doktor. Para akong namanhid sa lahat.

Ang tanging alam ko lang, tumutulo ang luha ko. Tulala lang ako. Nakatingin sa kawalan. Nasasaktan. Parang unti-unting dinudurog ang puso ko.

Hindi ko man lang alam na buntis ako! Babae ako. Dapat nararamdaman ko kung may nabubuhay na bata sa sinapupunan ko. Dapat alam ko!

Hinintay ko na magkaroon ako ng anghel! Hinintay ko. Matyaga akong naghintay. Pero dahil sa kapabayaan ko, nawala na lang ng isang iglap.

Wala akong ibang masisi. Hindi ko magawang sisihin si Lordan, si Lorjan o sino mang nasa paligid ko. Hindi rin nila alam. Wala silang kasalanan. Tanging ako lang ang may sala sa lahat.

Unwanted Pleasure(MontelloSeries#2)[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon