Chapter 11

10.2K 158 1
                                    

Chapter 11:

HENRY glared at her. "Stop it, Miley." Suway niya sa anak.

I shook my head. Hinawakan ko ang kamay ni Henry na gumagamot sa sugat ko. "It's okay. Naiintindihan ko ang sitwasyon niya. She wants a mommy and here I am. I want a daughter like her."

Sumigaw si Miley. "Wow! So, can I call you Mommy Autumn? Huh? Can I? Can I? Can I?"

I laughed and nodded at her. "Of course."

"Yey!" Bababa sana siya at yayakapin ako pero pinigilan niya ang sarili niya. "I will hug you later, Mommy. Your hand is still bleeding."

Narinig ko ang pagtawa ni Henry. I eyed him. Saktong nakatingin din pala siya sa akin. He mouthed 'thank you'. I just nodded and smiled at him.

"Ehem. Mommy and Daddy are talking secretly. Dad, are you saying 'I love you' to Mommy Autumn?"

"Miley." Panunuway niya.

"What? My classmates' Mommies and Daddies are saying 'I love you' to each other." Inosenteng tanong niya.

Bigla akong nakaramdam ng awa para sa kanya. Napakabata pa niya para maranasan ito. Lumaki ako ng may nanay at tatay at napuno ako ng pagmamahal nila. Alam kong napakahirap ng pinagdadaanan ni Miley. Si Henry lang ang nagpapalaki sa kanya. Kahit hindi man niya sabihin, alam kong araw-araw, oras-oras siyang naghahanap ng kalinga ng isang ina. At ito ako, handa kong ibigay sa kanya ang pagmamahal ng isang ina.

Natapos na ring gamutin ni Henry ang sugat ko. Balak ko ng magpaalam at bisitahin na lang ulit si Miley. Kailangan ko pang makaalis dito.

"Thank you, Henry. Kailangan ko na kasing umalis." I eyed Miley. "Princess, I'll just visit tomorrow, okay?"

Bumaba siya ng kama at nilapitan ako. Lumuhod ako para magkapantay kami. "Why are you leaving so early? Kadarating mo lang po, Mommy."

"Hey, sweetie, babalik ako. I promise. 'Wag ng sad."

Nakasimangot pa rin siyang tumango. "Just call me, Mommy."

I nodded. Matalino ang batang 'to. Maintindihin siya. Hinaplos ko ang buhok niya. I kissed her forehead. "See you tomorrow!" I said.

She nodded. Bumalik siya sa higaan niya at nginitian ako. Kumaway rin siya sa akin. Ginantihan ko siya ng kaway. Iginaya na ako ni Henry palabas pagkatapos. He 'thanked' me and I said the same to him.

Nagsimula na akong maglakad palayo sa kanya. Muli akong humarap at kinawayan siya. Kumaway rin siya at nginitian ako. Nakita kong pumasok na ulit siya sa kwarto ni Miley. Bumuntong-hininga ako.

Nakakailang hakbang pa lang ako nang may humarang sa dadaanan ko. Inangat ko ang ulo ko at nakita ko ang taong pinakainiiwasan kong makita. Si Lordan. Kumalagabog ng malakas ang puso ko. Napaatras agad ako.

"Saan ka pupunta?" Malambing na tanong niya.

Tuloy-tuloy ang naging paghakbang ko palayo. Mahigpit na ang nagiging pagkapit ko sa suot kong hospital gown. Humahakbang siya palapit sa akin kaya lalo akong naalarma. Tumakbo ako palayo sa kanya. Tumakbo ako ng tumakbo.

I need to be away from him. I need to...

"Autumn!" Si Lordan 'yon. Sinundan niya ako.

Sunod-sunod na ang nagiging mura ko. Fuck. No. Hindi ko hahayaang makulong niya ulit ako sa bahay niya. I want to be free! Walang babae ang gustong makulong sa isang bahay ng isang demonyo.

Unwanted Pleasure(MontelloSeries#2)[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon