Chapter 17

8.9K 132 2
                                    

Chapter 17:

MILEY waved at me. Alinlangang ngiti ang ibinigay ko sa kanya.

Habang naglalakad ako pababa kanina, nakaramdam ako ng pagkahilo. Buti na lang at naalalayan agad ako ni Manang. Pinilit ko pa ring pumunta dito para hindi malungkot si Miley.

Masamang masama ang pakiramdam ko. Mabibigat din ang mga talukap ng mata ko. Pakiramdam ko ay tatrangkasuhin ako.

"Mommy!" Patakbo siyang pumunta sa akin. Niyakap niya agad ako. "Thank you for coming."

I just smiled and nodded at her. Nilingon ko si Henry. Ngumiti agad siya nang magtama ang mga mata namin.

"Hey, Autumn, are you okay?"

I nodded. "Yeah. I'm fine, Henry."

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang braso ko. "Are you sure?" Hinimas niya pa ito.

Gusto kong umiwas dahil may mahal ko at ang pangit tignan na may ibang lalaking humahawak sa akin. Pero hindi ko alam kung paano. Ayaw kong bigla siyang ma-offend.

"Ayieeeee. Daddy is concerned!" Tili ni Miley.

Tumawa si Henry. Isang pekeng ngiti lang ang naibigay ko. Hindi ako natuwa sa sinabi ni Mitakot. pero pinalagpas ko na lang. Alam kong uhaw siya sa buong pamilya kaya hinayaan ko na lang siya sa gusto niyang sabihin.

"Let's go na, Mom and Dad?" Nakangiting sabi ni Miley.

I nodded. Ngumiti si Henry at tumango rin. "Let's go." Aniya.

Bumaba ang kamay niya papunta ng kamay ko. Ipinagsalikop niya ang mga daliri namin. Pilit kong tinatanggal pero lalo niyang hinihigpitan. Ilang beses ko pang sinubukan pero paulit-ulit lang.

Humawak si Miley sa libreng kamay ko. "Yehey! Happy family!" Sigaw niya.

Napangiti ako nang makita ko ang magandang ngiting sumilay sa labi ni Miley. Totoong masay siya. Pakiramdam ko nawala ang sama ng pakiramdam ko dahil sa ngiti niya. She's really happy with me and Henry.

Sobrang hyper ni Miley. Maya't maya na nga siyang sinusuway ni Henry. Takbo kasi siya ng takbo at hindi maganda iyon para sa kondisyon niya. Baka hikain na naman siya dahil sa pagod.

Kung saan-saan kami hinila ni Miley. Sa Jollibee, tapos ay pumunta kami ng timezone. Naglaro lang siya ng naglaro ng kung anu-anong laro. Henry is playing with her. Ako ang may hawak ng gamit nilang dalawa. Ako ang tagapunas ng pawis ni Miley at taga-abot ng tubig sa kanya.

Wala siyang kabusugan at kapaguran. Hinila niya kami sa Mang Inasal nang magutom ulit siya. Pagkatapos ay sa sinehan naman. Nanuod kami ng comedy movie na showing.

At dahil sa sobrang pagod niya, nakatulog na siya sa balikat ni Henry. Gabi na rin kaya pati ako ay pagod na pagod na. Alam kong pati si Henry ay pagod na dahil sa kakulitan ng anak niya.

May hawak akong dalawang paper bag at ang iba ay hawak ni Henry sa isang kamay.

Hinila kami ni Miley kanina papunta ng boutique. Binilhan niya ng sumbrero ang Daddy niya. Bumili rin siya ng dress na terno, para sa mother and daughter. It's a violet nice dress. Pinabayaan ko na lang siya at tinanggap ko ang damit na para sa akin.

Pero hindi ako natuwa sa huli niyang binili para sa amin ni Henry. It's a couple shirt. Hindi ko sana tatanggapin pero muntik ng umiyak si Miley kaya tinanggap ko na rin.

"Henry, hindi ka ba nabibigatan kay Miley? Pwedeng ako muna ang magbuhat."

Lumingon siya sa akin at ngumiti. "Hindi na, kaya ko na 'to. At isa pa, hindi kita hahayaang magbuhat ng mabigat."

Unwanted Pleasure(MontelloSeries#2)[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon