Chapter 12

10.7K 190 0
                                    

Chapter 12:

NAGMAMADALI akong umakyat sa hagdan. Mabilisang hakbang na nga ang ginawa ko kanina nang makalabas ako agad ng kotse niya. Para akong tinakasan ng kulay sa nakita ko. Hindi ako pwedeng magkamali. Baril iyon. Sigurado ako.

Pumunta ako sa kwartong inuukupa ko. Nagtaka agad ako nang makitang wala na doon ang mga gamit ko.

"Nasa kwarto na natin ang mga gamit mo. Doon ka na ulit matutulog."

I shivered. Guns. Guns. Hindi ko makalimutan. Sigurado akong kanya iyon! Bakit may ganoon siya? May balak ba siyang patayin? Napapaisip ako. Iyon ba ang ginamit niyang baril kay Hawk? Ilang tao na ang napaggamitan niya noon?

Nilagpasan ko siya ng tahimik. Pumasok ako sa kwarto namin at agad na nahiga sa kama. Ipinikit ko ang mga mata ko. Ilang beses na akong napalunok. Sunod-sunod.

Naramdaman ko ang paglundo ng kama sa tabi ko. Biglang natigil ang aking paghinga. Naging mariin ang pagpikit ko. Alam kong siya 'to. Grabe na ang tibok ng puso ko. Sobrang bilis. Sobrang lakas.

"Hey." Mahina ang boses niya. "Why?"

"A-anong 'why'?" Mahina lang ang boses ko.

"Bakit tinakbuhan mo ako kanina?" He sighed. "Gusto mo ba akong takasan?"

Hindi ako umimik. Napakapit ako ng mariin sa unan ko.

He sighed again. "Hindi mo na kailangang sagutin. Alam ko na..." Tumahimik siya. Akala ko wala na siyang balak na magsalita ulit. "Don't do that again, baby. Natakot ako. Natakot ako na baka ikaw, mawala din sa akin."

"I'm sorry." Dumilat ako at hinarap siya. Nakatingin siya sa akin. Ginantihan ko ang tingin niya. Hindi siya nag-iwas. Nagulat ako nang may makita akong kumikinang sa mata niya. Nahulog ito at naglandas sa pisngi niya.

"Why? Why are you crying?" Namamaos na tanong ko. Nakaramdam ako ng pagkataranta.

"I thought... mawawala ka na sa akin."

Kinagat ko ang ibabang labi ko. Parang may mainit na kamay na humaplos sa aking puso. Uminit ang sulok ng mga mata ko. Laging ganito ang nararamdaman ko kapag umiiyak siya. Para akong kandilang nauupos. Kapag nakakaramdam siya ng sakit, nararamdaman ko rin. I hate seeing him like this, weak and fragile. Hindi ako sanay.

"I'm sorry if I hurt you. Sorry kung nasisigawan kita. Sorry kung madalas akong magalit. Pero sana kahit na nagagawa ko sayo 'yon, please, stay with me. 'Wag mo akong iiwan."

Tuloy-tuloy ang pagdaloy ng mga luha niya. Ngayong nakikita ko na mahina siya, pakiramdam ko ako ang pinakamasamang tao sa mundo. Ako ang dahilan kung bakit siya nalulungkot. Ako ang dahilan kung bakit tumutulo ang mga luha niya. Ako ang dahilan kung bakit nanghihina siya. It's all my fault and I want to punish myself for this.

"Natatakot ka sa akin, nararamdaman ko. Nilalayuan mo ako. Pero kahit anong layo at iwas mo, hahabulin pa rin kita. Kahit dahas na ang nagagamit ko. Kasi gusto ko nandito ka lang sa tabi ko. Gusto ko lagi kitang kasama."

Hinawakan niya ang kamay ko. Ikinulong niya iyon sa mga kamay niya. Tumulo ang luha ko. He's hurt. At ayaw kong nakikita siyang ganito. Kahit na anong takot ko sa kanya, ayaw ko pa rin siyang nasasaktan. Kahit na gusto ko na siyang takasan, ayaw ko pa ring mawala siya sa tabi ko. Fuck! Magsisinungaling ako kung sasabihin kong ayaw ko sa kanya. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong wala akong nararamdaman para sa kanya. Alam ko sa sarili ko na gusto ko siya. Na gusto kong manatili sa tabi niya. Na gusto kong ako ang magpapasaya at magpapahid ng luha niya. I fuckin' like this guy beside me. This guy is crying because of me. I like Lordan so much. I really do...

Unwanted Pleasure(MontelloSeries#2)[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon