anong klase ng libro ang isusulat ng blackpink pag naging writer sila?
Jisoo: Yung mature at hindi pabebe ang characters. Hindi yung mature na SPG ah? Yung mature na hindi na pabebe mag-isip. Gusto yan ni Jisoo, at syempre gagawin niyang sad ending ang story niya kasi masyado siyang maganda para magsulat ng 'happy ever after'. Cliche daw kasi.
Jennie: Horror. Ayaw kasi ni Jennie sa mga love stories kemerlu kaya gusto niya yung matatakot ang readers niya at hindi na makakatulog pagtapos basahin ang libro niya. Mga ala-Arados at I love you, Ara. HAHAHA.
Rosé: Isang libro na bawat chapter ay may kasamang bible verses. Yung pang-inspirational ang genre niya. Yung tipong hindi ka mag-iisip ng suicide at mabubuhusan ka ng holy water sa katawan mo, ganon. Kung pwede lang gumawa ng bible, siguro yun nalang ginawa ni Rosé.
Lisa: Yung SPG. Matured, explicit, erotic. Pero syempre charot lang yon kasi bata pa siya. Wala talagang maisusulat si Lisa kasi palagi siyang dinadapo ng 'writer's block' kuno kung madaling sabihin, tinatamad lang talaga.
BINABASA MO ANG
blackpink in your area ☆
Randomimahinasyon lamang na may halo ng mga pangyayari sa buhay nila sa reyalidad Book Cover by: FELI-city