| JENNIE RANTS |

275 7 3
                                    

a/n: another segment, a matino one hahaha upgraded version ng jennie rants

👑 JENNIE RANTS 👑

Jennie Kim here. Yes, the one and only Jennie Kim. Sa totoo lang ay tinatamad ako ngayon pero pinilit kasi ako ni author na sumulpot dito sa segment ko raw. Upgraded na raw kasi ang Jennie Rants kaya kahit wala ako sa mood nakisama na ako. Mahirap na, baka tulad ng lines ni Jisoo unnie, kumonti na rin ang exposure ko. Joke. So ano bang topic natin ngayon? Ah, yes, KPOP Wave. Siguro naman marami na ang nakakaalam na unti-unti nang nilalamon ng Kpop ang mga kabataan sa panahon ngayon– well, in general na rin. Pero kahit ganoon ay may mga bitter pa rin at tutol talaga sa epidemyang ito.

Marami pa rin talagang ayaw sa Kpop.

Oh well, hindi namin kayo masisisi. Pero ang sa amin lang– SANA HUWAG NIYONG HUSGAHAN KAMING MGA KPOP IDOLS. Why? Kasi tao rin kami. May damdamin kami at nasasaktan kami! Naiintindihan niyo?

Kung wala kayong sasabihing maganda sa aming mga Idols pati na rin sa aming Fans.. huwag nalang kayong magsalita. At huwag na huwag niyong pipigilan ang fans sa gusto ng puso nila– ang idolohin, tingalain at ipagtanggol kami. Dahil wala namant masama do'n. Kung mayroon, kayo 'yon.

Ginagawa kaming inspirasyon ng fans at sa tingin ko naman, walang mali roon. Aaminin kong mayroong mga sumosobra pero hindi naman LAHAT. Mayroon at mayroong marunong rumespeto at alamin ang limitasyon bilang taga-hanga. Kaya sana huwag kayong mang-husga at subukang sirain ang kaligayahan nila.

Kpop na nga lang ang nagpapasaya, pati ba naman iyon aalisin niyo pa?

Ang FANGIRLS/BOYS ay hindi mga OA! At hindi porke sinusuportahan nila ang ibang lahi ay tinatalikuran na nila ang sarili nilang lahi! Sadyang nakahanap sila ng comfort sa Kpop, sa mga Kpop songs, sa Kdramas at wala kayong karapatang masamain 'yon. Hindi niyo rin naman alam ang rason ng tao kung bakit ganoon nalang nila suportahan ang mga Koryano. O kahit sa Hollywood pa 'yan, in general!

Isang payo, huwag niyo na lamang pakialaman yung kasiyahan nila na nabibigay ng industriyang ito. Kaya na nila 'yan, malaki na sila hehehe.

Sige na sisibat na ako. Annyeong.

--

the kpop invasion in jennie's view HAHAHA and in my view. 😊

ps. maraming pinagdaanang hirap at sakit ang mga kpop idols bago nila matamasa ang kasikatan, may mga hindi pa nga nagtatagumpay sa umpisa, e. yung iba ring mga aspiring idols.. ang dami pa nilang hirap na pagdadaanan at hindi lahat sila nagtatagumpay sa huli. iyong iba, bumabagsak. iyong iba, bumabagsak pero nakakaahon. iba-iba talaga e. pero sobrang taas ng respeto ko para sakanila.

pps. wag na wag niyong mamaliitin itong whole kpop thing, may mas malalim pa sa bagay na 'to at kahit hindi kayo interesado, matuto kayong rumespeto.

blackpink in your area ☆Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon