// lisa day ✨ [SPECIAL]

369 10 22
                                    

a/n: huwag na kayong magtanong sa special na nakalagay! HAHAHA dito ko ibubuhos lahat ng mga pagkukulang ko sa ilang buwan na walang update! HAHA! hindi ho ito biased dahil bias ko sila! manahimik! HAHAHA! lisa babygirl happy birthday! mahal na mahal kitaaa! 😭

---

Oh! Bonjour! Ako'y nagbabalik galing ITALYA! Charot. So, dahil bente syete ngayon at kaarawan ng pinakamamahal nating Royal Maknae aba'y s'yempre dapat espesyal. Dapat maraming ka-churvahan kaya effort talaga ito.

Effort na hindi ko nagawa nu'ng kaarawan ng tatlo. SORRY NA!

Eto na nga, magsisimula na ang spiel ko BWAHAHA tara't alamin ang ginagawa ngayon ng BLACKPINK at pasukin ang kanilang NAAAAPAAAKAAAALINIS na dorm!

📍 BLACKPINK DORM

Uy! Hmm. Something's fishy. May nagluluto siguro ng isda. Charot! HAHAHA. Halina't dumayo tayo sa kanilang living room.

Aba, something's fishy nga. Busy iyong TATLO sa ginagawa nilang ka-emehan sa sala. Si Manang Jisoo ay abala sa pagkakabit ng mga bituin sa kisame. Iisipin niyo sigurong naka-hagdan siya, ano? Tama! Naka-hagdan siya dahil hindi ma-reach ng height niya ang kisame! Hellur!

jisoo: may naririnig akong nanlalait! hoy, huwag kang umastang pang-basketball player ang height mo! pare-pareho lang tayo dito!

Ay kingina! I-expose ba naman 'yung height ko?! Bastos ka talaga, Kim Jisoo. Huhuhu.

Anyways, huwag na nating pakialaman ang duwendeng iyon. Curious ba kayo sa ginagawa ng Jennie Kim? Heto siya, heto siya at papalapit na. Dejoke. Abala rin siya sa mga sinasabit niyang papel sa isang mataas na bulaklak. Nakakagulat nga dahil iyong bulaklak na sinasabitan ng papel ni Jennie, ay iyong bulaklak na pang-patay.

Pero hayaan na natin iyon at alamin na ang ginagawa ni Rosé. Siya ay naglalatag ng dilaw na carpet sa tapat ng pinto ni Lisa hanggang sa sala nila. Tinapunan rin iyon ni Jennie ng mga petals ng bulaklak na iyong pang-patay rin. Nakakaloka, ano?!

Ay bakla! Tumutunog na 'yong buzzer. Oras ko na raw papunta sa langit. Este tapos na raw ang exposure ko. Oh siya, pakinggan nalang natin ang mga usapin ng tatlo at kung ano bang balak nila. Nakakapagtaka, wala namang alak pero may balak ata? Last ko na 'yon.

jisoo: hay salamat tapos na rin 'yung exposure ng bruha!

jennie: may topak ba 'yon? parang naka-drugs na ewan e.

rosé: huwag tayong mang-husga mga unnie. baka may pinagdadaanan!

jisoo: sabagay.

jennie: chaeyoungie, pumasok ka na sa kwarto ni lisa. gisingin mo na si gaga tapos lumabas na kayo, piringan mo ha! paglabas niyo ay patay na ang ilaw kaya alalayan mo 'yon nang maigi.

rosé: noted, mader! /lumarga at tumakbo sa kwarto ni lisa/

jisoo: papatayin na ba kita? este papatayin na ba natin yung ilaw?

jennie: hmm. abot mo naman 'yung switch unnie, 'di ba?

jisoo: /nanlaki ang mata/ tangina mo!

blackpink in your area ☆Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon