In Love with the Wrong Guy
Written By: Simply_Yours
****************************
Ilang araw na din yun lumipas. Wiee! Malapit na ang Christmas.
" Uy Dylan! Anong ginagawa mo? "
" Haha. Ah-eh. Wala lang "
" Talaga? May hinahanap ka eh! " pangaasar ko sa kanya.
" Wala! Haha "
" Eh may hinahanap ka eh! Tutulungan kita " tumayo ako tapos tinulungan syang maghanap.
" Ano nga ulit hinahanap mo Dylan? "
" Ah basta. Mamaya ko nalang hahanapin. Babye! "
Nye? Napakamot nalang ako sa ulo. Kanina di mapakali sa paghahanap, ngayon aalis? Yung totoo?
Naglakad ako papuntang locker ko. Hassle kasi tong mga hawak kong libro eh.
" Tralala! Lala~ Hmmm~ Lalala. Ha? Ano yun? " nagtago ako sa may gilid ng locker. Manchi-chismis muna ako.
" Bakit ba ayaw mo sakin? Im sexy! Beautiful! Mga team mate mo nagkakandarapa sakin tapos ikaw hindi? " sabi nung girl. Parang si Abegail yun ha?
" I dont care! " teka? Sinilip ko kung sino yung naguusap. Si Abegail at Clyde yun.
" No! You care. Akin ka lang Clyde! " niyakap ni Abegail si Clyde. Nakatingin sa direksyon ko si Abegail. Pinagseselos nya ba ako? Pero parang. Ang sakit.
" Ano ba Abegail! I didn't like you! Kahit kailan di kita magugustuhan "
" Hindi mo ko gusto? Bakit? Kasi ang gusto mo si Venice. Siya ba? "
" Hindi ko sya gusto! " sigaw ni Clyde. Bakit ang sakit? Ang sakit!
Dinala nalang ako bigla ng paa ko kung saan. Di ko mapigilang di umiyak. Di lang ako nagselos. Nasaktan pa!
" Number 5 You get jealous check. Putik na checklist yan! In love nga ako. Pero nasaktan din. Di nya pala ako gusto "
" Bulaga! "
" Anak nang demonyong katulad mo! Ano ba Dylan kita mong nagsesenti yung tao eh! "
" Sorry naman! Eh bakit ka ba naiyak? " tumabi sya sakin sabay abot ng panyo.
" Kasi. Ah-eh pwede ba kitang pagsabihan ng secret?"
" Ah. Oo naman! "
" Kasi Dylan. In love ako kay Clyde eh "
" Seryoso? Eh bakit ka naman naiyak? Ano konek nun? " nabatukan ko naman sya. " Aray ko ah! "
" Sorry. Ikaw kasi eh. Ah kasi nalaman kong di nya ako gusto Atsaka kanina nahuli ko silang naguusap ni Abegail tapos magkayakap pa. " pishting luha to! Kwinento ko sa kanya yung pinag usapan nila.
" Yun lang? Alam mo ang mga bagay na ganyan hindi iniiyakan. Di dahil nalanam mo na hindi ka nya gusto iiyak ka kaagad. Sa pag ibig parte ng pagmamahal ang pag iyak pati ang masaktan. You can fake your smiles and laughter's but you can never fake your tears and feelings. Dadaan at dadaan tayo dyan. Kaya Venice wag kang iiyak. "
" Sa-salamat Dylan "
Nagulat ako ng bigla nya akong hinila.
" Sa-saan tayo pupunta? "
" Basta! Tara na! "
Inangkas nya ako sa bike nya. Hanggang makarating kami sa playground malapit sa bahay nila.
" Bakit mo ako dinala dito? "
" Wala lang. Para kasi sakin, stress reliever ko ang playground. Masaya kasi dito tahimik pa. "
" Ah. "
Nakaupo lang kami dun sa ilalim ng puno.
" Teka lang Venice ha? Bibili lang ako ng ice cream " nag nod nalang ako sa kanya
*arf*arf*
" Loopy? Ikaw nga Loopy! Ang laki mo na "
Ito yung aso ni Pororo. Di ako nagakakamali. Ito yun!
" Nasan na si Pororo, Loopy? Asan ang amo mo? "
" Oh! Venice? Kilala mo tong aso ko? " nagulat ako sa tanong ni Dylan. Aso nya? Ibig sabihin?
"Pororo? "
" Teka lang. Venice? Yung pinagtanggol ko sa playground dati? Yung tagapagtanggol mo? Yung machong ako? Yung-- Ah aray Venice! " yan piningot ko. Ang daldal kasi.
" Ikaw si Pororo? Ikaw ang nagbigay sakin nito? " nilabas ko yung dreamcatcher na nakatago sa loob ng uniform ko.
" Venice? Grabe small world! "
" Oo nga eh! Eh nasan na yung dreamcatcher mo? "
" Yun nga eh. Nawawala. Nahulog ko ata eh "
"Wag kang mag-alala hahanapin natin yun bukas! Tara na hatid mo na ako sa bahay! "
Naglakad lang kami hanggang sa bahay.
"Bye Pororo!"
"Bye din "
Grabe napakaliit ng mundo. Siya si Pororo. Nabawasan tuloy ka-badtripan ko. Pero naaalala ko nanaman yung kanina.
"Hindi ko sya gusto!"
"Hindi ko sya gusto!"
"Grr! Clyde Enzo Villacarlos! Ano bang meron ka?!"
--------
Authors Note:
Votes and Comments are so appreciatively. Thanks!
@Simply_Yours
BINABASA MO ANG
In Love with the Wrong Guy (COMPLETED)
Teen FictionSome people believes that " The more you hate the more you love" How does cold person, bully, boastful boy And Childish, Campus Loudspeaker, annoying girl conciliate? -------- All rights reserved. No part of this document may be reproduced or trans...