Chapter 23

206 4 0
                                    

In Love with the Wrong Guy

Written By: Simply_Yours

****************************

Malapit na ang finals at test sa mga papasukan naming universities. Pero sa Villiam University nalang ako papasok. Dun lang ang kaya ko.

" Bulaga! "

" Ay bulaga! Dylan naman eh."

" Haha pasesnya na " sign.

Simula ng nalamang kong sya yung childhood friend ko nawala na yung pagkaka crush ko sa kanya.

" May problema ka ba? "

Napalingon ako. " Wala! Chuppi na nga nag-aaral ako di-- "

" Dylan start na ng practice na-- Venice " ohjuiceman! Nilalayuan ko na nga to tapos susulpot pa kung saan saan.

" Dylan gotta go! Mag-aaral pa kasi ako eh. Babayu! " takbo Venice! Bilis pa.

Paglingon ko sa likod ko nakita ko si Clyde, hinahabol ako? Ano to temple run? Pero syempre sya yung gorilla. Haha. Teka Venice nagawa mo pang magjoke! Sige takbo pa!

"Hindi mo ko mahaha-- Ouch " haist! Ang eng eng ko. Bwisit na pader to. Paktay ito na po ang katapusan ko .

" Pinahirapan mo pa ako. Haha buti nalang di ka magiging si Venice kung wala kang utak. Dito ka pa takbo sa dead end  "

" Nilalait mo ba ako? "

Nakita ko syang ngumisi. Omayshomai! Ang gwepe nye pe! "Hindi ba halata? Gusto ko lang magso---, ah-eh joke nevermind " tumalikod sya at naglakad na palayo.

At syempre hindi ako magiging si Venice kung hindi ako mangungulit.  " Ayiee! Gusto mong mag sorry no? " pero wala akong nakuhang sagot.

" Okay fine. Tss sorry "

Mag pout naman ako. " Pwedeng mas sincere? "

" Tigil mo yang pag nguso mo. Okay fine Im sorry. Sorry na, sorry kasi di ko pinakinggan yung side mo sa ibang hayop este tao ko pa nalaman. "

Nagtaka naman ako. " Anong ibig mong? Wag mo sabihing? "

" Oo, sinabi sakin lahat ni Shaun. "

" Ibig sabihin bati na kayo? "

" Hi-hindi ah! "

" Napaka pride mo talaga Clyde. Tsk, tsk Oo Venice bati na kami. Diba pre? " inakbayan nya si Clyde pero inalis nya agad.

" Wala na pala akong problema. Whoo~ "

" Yun ang akala mo. "  napatingin ako kay Clyde. Hala tokwa ano yun?

Tumingin ako kay Shaun.  " Hihi. Gogora muna ako! Babayu. "

Isa, dalawa. Dalawang minuto ata kaming nakatayo dito at napaka tahimik.

" Venice gusto ko lang malaman kung anong ibig mong sabihin sa simabi mo nung gabing yun. "   ang ibig nya bang sabihin eh yung biglaan kong pag confess?

" Ah-eh-ih-oh-uh? Anak nang tilapian naman oh! "

Lumapit sya sakin. Sobrang lapit. " Mahal mo ko? " napapikit ako. Dumampi ang dapat dumampi. Omoo~ my first kiss! He stole it!

Nakarinig ako ng pagtawa. Teka tumatawa sya habang kiss nya ako? Teka I mean, pagdilat ko.  " HAHAHAHA! Dapat nakita mo yung mukha mo kanina! "  pero? Shocks ang akala ko first kiss ko na yun pala daliri lang nya. Grrr nakakaasar.

Kinindatan nya ako sabay umalis. Nakakainis talaga!

" Hoy!  Kawawa naman yang damo sa kakadabog mo! "

" Ang aswang ka? Shaun naman eh "

" Hello! Haha. Ay may gusto lang akong sabihin sayo. "

Napalingon ako sa kanya. " Ang totoo nyan gusto kong masira si Clyde noon. Gusto ko syang magdusa. Pero isang araw nakita ko kayong magkasama. Sinundan kita nun. Alam mo isang beses palang kitang makita nagka gusto na ako sayo. Plano ko pa ngang mapalapit sayo para magselos so Clyde eh. Pero nahulog ako sayo"

" Anong ibig mong sabihing para magselos si Clyde? "

Nakita ko syang nagpout.  " Sa dami dami ng sinabi ko yun lang natandaan mo.  "

" Haha. Pasensya na "

Biglang sumeryoso yung mukha nya.  " Di mo pa ba pansin Venice? Yung sa prom yung nagalit sya dahil nakita nya yung picture natin! Diba nagselos sya? "  nagtaka ako. Pano nya nalaman yun?

" Teka Shaun pano mo nalaman yun? "

" Ah. Hahaha ah-eh nandun kasi ako eh. "

" Malabong magkagusto sakin si Clyde noh. Asa pa ako sa wala. "

" Ewan ko sayo! Maging positive ka lang! "

"Maging positive ka lang! "

"Maging positive ka lang! "

"Maging positive ka lang! "

Ewan ko ba lagi nalang tumataga sa isip ko yung mga sinasabi nila.

----

Malapit na talaga ang finals. Grr andito ako ngayon sa kwarto ko at nakaharap sa napakaraming libro.

*bzzt*bzzt*

From: Clyde

Pupunta ka ba bukas?

To: Clyde

Anong meron bukas?

From: Clyde

Tss. Birthday ko obob! Punta daw kayo bukas sabi ni Dad.

To: Clyde

Yes master! Hihi

-end of conversation-

" Lagot birthday nya bukas? Haist! Wala akong ireregalo "

" Kung boxer kayang angry birds? Ay hindi pwede. Kadiri naman pinagiiisip ko. Tsk "

" Ah magdodrawing nalang ako! Hihihi. Good! Ang talino mo talaga Venice kahit wala kang utak! "

Nagdrawing ako ng chibi nya. Haha sana magustuhan nya to.

-----------

In Love with the Wrong Guy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon