In Love with the Wrong Guy
Written By: Simply_Yours
****************************
" Ate! Gising na! "
" Hmmp. Ayoko pa, Sabado naman eh "
" Sige bahala ka dyan akin nalang lahat ng cookies sa baba "
" Ha? Pano tayo nagkaron ng cookies? "
" Nasa baba si kuya Dylan. May sasabihin ata sayo. "
Ang aga namang mambulabog nitong si Dylan. Halos 2 o'clock na ako nakatulog kagabi. Nagtoothbrush ako at nagpalit ng damit para presentable naman akong tignan
" Bakit Dylan? Agang mambulabog ah? "
" Venice may gusto sana akong sabihin sayo "
Kita ko sa mukha nya na seryoso. " A-anong sasabhin mo?
" Ayoko nang magpaligoy ligoy pa. Pero hindi kasi ako-- "
*bzzt*bzzt*
" Ay teka lang Dylan ha? Napatawag kasi si Clyde eh "
" Ah sige lang "
" He-- "
[Oy bobita!]
" Di ba uso sayo ang 'Hello' o 'Hi' manlang? Bakit ka ba napatawag ha? "
[ Pumunta ka mamaya ah. ]
Napatahimik ako ng mga ilang segundo. Sinabi nya ba yun?
" Wala manlang please? "
[ Ayoko ng-- Haist! Fine. Please? ]
" Oh sige! "
[ Agaha-- ]
Pinatay ko na yung phone ko. Hahaba pa usapan eh.
Liningon ko si Dylan. " Uy! Sorry ha? Ano ulit sasabihin mo? "
" Ah-eh. Wala! Hahaha. Sige alis na ako! " sabi nya sabay takbo palayo
" Parang ewan yun. Tsk "
----
Mag gagabi na. Nagaayos kami ngayon ni Sassy. Sama daw sya. Sina Mommy at Daddy hindi makakasama. Busy kasi sila.
" Ate may regalo ka kay Kuya Clyde? "
" Meron! Hihi "
" Ano ate? Patingin naman oh! "
Nilingon ko sya. " Secret! Bawal sabihin, no clue! Hindi drawing ang regalo ko! "
" Nako ate! Napaka obvious mo talaga! Patingin naman ng drawing mo oh! "
" Ha? Hindi ah! Obvious ka dyan! Magtigil ka na nga "
" Asus. Pasecret secret pa! Alis na tayo ate bilis! "
Hanggang sa makarating kami kina Clyde. Bongga ang birthday celebration nya. Madaming tables and chair sa may pool side. Nandito din ata ang buong clan ng Villacarlos at invited ata lahat ng fourth year. Nahihiya tuloy akong ibigay tong cheap kong regalo. Siguro ibibigay ko nalang to sa kanya ng private.
Pumunta ako sa kwarto nya. Dito ko nalang ibibigay to. Sana ma-appreciate nya to atsaka sana hindi nya pintasan. Ugali panaman nun.
" Clyde! Si Venice to! " sigaw ko sa labas ng pinto nya. Ang tagal namang buksan.
" Cly-yde. AAAAH! MAG T-SHIRT KA NGAAA! " grabe bumungad sakin ang owso wow nyang six packs abs.
" Sorry. Nabigla ka ata ng abs ko. Tss arte ano bang ginagawa mo dito? "
BINABASA MO ANG
In Love with the Wrong Guy (COMPLETED)
Genç KurguSome people believes that " The more you hate the more you love" How does cold person, bully, boastful boy And Childish, Campus Loudspeaker, annoying girl conciliate? -------- All rights reserved. No part of this document may be reproduced or trans...