My Magical Facebook Account
Written by: Sofie Terry Red
THIS STORY IS SOFIE TERRY RED'S PROPERTY SO NEVER EVER DARE TO PLAGIARIZE IT!
Gina's POV
"Lord please... Please naman po bigyan ninyo na ako ng boyfriend ang tagal-tagal ko na pong single kaya naman napapag-iiwanan na ako ng mga kaibigan ko. Sabi naman ng mama at kuya ko maganda daw ako kaya nga po hindi ko talaga maintindihan kung bakit hanggang ngayon SINGLE pa rin ako. Please Lord sana kahit ngayon lang po pakinggan mo ako. In the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit Amen." I said while signing of the cross.
Nandito ako ngayon sa loob ng chapel ng Enchanted Palace. EP is almost look like Enchanted Kingdom and Star City ang pinagkaiba nga lang EXCLUSIVELY for ELITES lang ito kasi 10, 000 per head lang naman ang entrance fee hindi pa kasama ang mga rides. O di ba sa entrance fee pa lang mamumulubi ka na agad? Pero hindi naman ako nag-iisa sa pagpunta dito kasi may mga friends naman akong kasama yun nga lang lahat sila may kasamang boyfriend kaya ang dating ako ang lumalabas na chaperon. Kawawa naman ako huhuhuhuh.... T_____T
"Uy Gina ang tagal mo naman mukhang nagnobena ka na ata sa loob e. Tell us ano bang pinagdadasal mo?" Medyo nang-aasar na tanong ni Aiza sa akin pagkalabas na pakalabas ko ng chapel.
Hindi na lang ako sumagot sa tanong niya and I choose to gave her a "Please stop it" look.
"*laugh* I'm sure ipinagdadasal na naman niya na sana dumating na si Mr. Right guy niya!" Nang-aasar namang sabi nila Yhanhie ay Lei.
Sina Aiza, Yhanhie at Lei ay ang matatalik kong kaibigan. We are friends since highschool. Siya nga pala bago ko makalimutan I'm Ruegina Ashlee Destreza Bantay a third year HRM student of Palace Academy.
"Bakit gusto mo na bang magkaboyfriend?" Tanong naman ni Ethan.
Ethan was my super-duper long time crush. First year high school pa lang ako patay na patay na ako sa kanya pero siyempre ako lang ang nakakaalam noon kahit na mga kaibigan ko walang alam doon tutal alam ko namang wala talaga akong pag-asa sa kanya dahil si Yhanhie ang matagal na niyang gusto kaya nga sila ang magkadate ngayon. Well ano nga ba naman ang laban ko kay Yhanhie? Yhanhie was know in our school as the Campus Queen, consecutive winner lang naman ata siya and take note siya lang naman ang kauna-unahang babaeng nakipagbreak sa Campus King namin na si Aidhan Jhaye in short she is really a goddess of beauty!
"Hey girls tama na inaasar ninyo na naman si Gina e." Salo naman sa akin ni Lei.
Sa aming magbabarkada si Lei ang pinakaseryoso yung bang tipong nerd type pero hindi naman mukhang nerd ah basta parang ganun tapos idagdag ninyo pa ang angkin ninyang katalinuhan.
"My Lei is right kaysa mag-asaran tayo dito bakit hindi na lang natin simulang mag-enjoy? So where do you want us to go next?" Masaya namang tanong ng boyfriend ni Lei na si Vince habang inaakbayan siya.
Haaay... Kailan kaya may aakbay sa akin ng ganoon?
"RIDES!!!" Nakakarindi naman nilang hiyaw na may kasama pang pagtalon bago nagmadali sa pagtakbo papunta sa pilahan ng mga rides.
Habang tumatakbo kami ay talagang hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng inggit. Paano ba naman lahat sila ay may mga ka-holding hands samantalang ako ito nag-iisa. Pero teka bakit ba ako nagmumokmok? Kung tutuusin pwede rin naman akong makipag-holding hands e!
Agad ko namang pinagsakop ang dalawang kong kamay. Viola may ka-holding hands na ako! Hahahah... Grabe feeling ko nababaliw na ako.
"Uy Gina kinakausap ka nung tindera ng ticket!" Nakakagitlang sigaw sa akin ni Rico na boyfriend ni Aiza.
BINABASA MO ANG
My Magical Facebook Account
Genç Kız EdebiyatıBoyfriend ba ang hanap ninyo? Then what are you waiting for? Sign up now at Facebookfreeboyfriend.com!