– Maru Peter Henry
Napakatalino mo
Ngunit ang dami mong hindi nalalaman
Gaya nang ilang beses kong pagsisinungaling
Para mapagtakpan ka sa iyong mga kasalananNapakatalino mo
Hindi ko nga maarok ang iyong pang-unawa
Kapag pang-henyo na ang iyong mga pagpapaliwanag
Sa bobo kong pusong agad sayong naniniwalaMatalino ka
Pero ang dami mong hindi alam
Minahal pa rin kita
Kahit wala ka namang pakialamIba na ang pinatakbo mo sa iyong utak
Iba na ang sinama sa panaginipNapakatalino mo
Pero hindi mo man lang ako naisip.
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry
PoetryIpagpatuloy nyo po ang pagbabasa baka na sa huli ang inyong hugot sa buhay.. Pasensya na po may hugot din hahahah.. Pero sana magustuhan nyo ito po ay kinuha ko sa mga kaibigan kong nagmessage sa akin... My FB name is Jed Victoria Valcora/Jed Valcor...