IKAW TALAGA

156 6 0
                                    

IKAW TALAGA.
2 Replies
Ikaw talaga. Palabiro ka.
Iyan ang sinabi mo sakin
Nung pinigilan kong manginig ang boses ko
At sinabi sayo ang damdamin.

Para lang sa kaalaman mo
Hindi ako magaling magpatawa
Kaya hindi ako nagbibiro
Nung sinabi kong mahal kita.

Kahit natawa ka
Naiintindihan ko
Pero sana nakita mo ang pagiging seryoso ko

Wala na akong magagawa
Dahil kahit kanino ko man ibaling ang isip ko

Ikaw talaga.

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon