Isang araw nagising ako
Bigla na lang naisip kita
Parang hindi naman pala kita kailangan
Kaya ko naman palang mabuhay mag-isaBumangon ako sa kama
Hindi ka hinagap sa 'king tabi
Ayos naman ang gising ko
Hindi din kita kausap kagabiUminom ng mainit na kape
Kumain ng masarap na almusal
Wala namang panghimagas na tanong
Na, "Bakit hindi tayo nagtagal?"Hindi pa pala kita kailangan
Kayang-kaya ko pang mag-isa
Hindi pa nga kita kailangan
Pero mahal na mahal kita.
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry
PoezjaIpagpatuloy nyo po ang pagbabasa baka na sa huli ang inyong hugot sa buhay.. Pasensya na po may hugot din hahahah.. Pero sana magustuhan nyo ito po ay kinuha ko sa mga kaibigan kong nagmessage sa akin... My FB name is Jed Victoria Valcora/Jed Valcor...