BABAE MAGANDA KA

94 6 0
                                    

Maganda ka. Kahit 'di ka magayos
May tigyawat man o ang kilay ma'y ubos
Magulo man ang iyong buhok at sa kolorete ay kapos
Sa pag-iisip lamang sa'yo ang araw nami'y nagtatapos

Maganda ka. Ano pa man ang nakaraan
At lalong mas maganda ka sa dami ng iyong nalampasan
At kung mayroon mang magtutulak sa'yo palayo
Tanga yun. 'Di marunong mag-isip nang matino.

Pasensya ka na kung minsan hindi kami nagaalok ng upuan
Kaya naming tumayo hanggang 'dun sa aming paroroonan
Baka lang kasi isipin mo na minamaliit namin ang iyong lakas
Hindi ba't pinaglalaban mo yun? Na lahat tayo ay maging patas?

Huwag masyadong ibintang sa amin ang pagiging 'di tapat
Nagagawa mo rin 'yun. Pero gaya namin, hindi lahat
Kung mahal mo kami, patunayan mo rin naman
At kagayang-kagaya mo, 'di din kami dapat sinasaktan.

Kung hindi mo pa alam, may mga halimaw sa loob namin
Pakiusap namin sa'yo, huwag na huwag silang gigisingin
May mga bagay kaming nagagawa na hindi din namin gusto
Nakakantyawan lang kasi yung halimaw ng away, 'di pagkakaintindihan, at tukso.

Anu't-ano pa man, gusto naming maging tapat
Gusto naming sa'yo lang ibuhos ang aming lahat-lahat
Maganda ka kung sa sarili mo'y marunong kang makuntento
Ikaw lang naman, babae, ang sa buhay nami'y kumukumpleto.

Kaya huwag kang mapraning kung sa baywang mo ay may taba
Kung malaki man ang iyong puson mo o ang pisngi mo'y namamaga
Napakaganda mo. Kahit hindi ka magayos
Babaeng may busilak na puso pa rin ang gusto naming kayapos.

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon