GANITO PALA

61 1 0
                                    

Ganito pala kapag wala na ang dumadaloy na mga istorya
Mula sa iyong bibig tungo sa garahe ng aking memorya
Ganito pala kapag wala nang tawanan bago tayo umuwi
Ganito pala kapag ang byahe ng panimdim ay sa atin gumawi

Kay daming bagay sa mundo na hindi na pala ako sanay
Gaya ng araw-araw na palitan ng pawis ng ating mga kamay
Ang pagsiksik mo ng iyong noo sa ilalim ng aking panga
Habang nakaupo tayo sa jeep at nagbubulungan ng pagsinta

Mas maaga nang nakakauwi ang katawan ko sa bahay
Ngunit naiiwan ang sarili kong bumabyaheng walang karamay
Ganito pala kapag hindi ko na dapat sabihing mahal kita
Ni wala sa hinuha ko na ganito pala kahirap... Ganito pala.

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon