ANG PINAKAMAGANDANG PANAHON PARA SUMULAT

714 8 0
                                    

ANG PINAKAMAGANDANG PANAHON PARA SUMULAT NG TULA

– Maru Peter Henry

Ito na ang pinakamandang panahon para sumulat ng tula
Sa oras na kung saan ay madalas kausap kita
Sa ilalim ng buwan na dati nating tinatanaw
Habang unti-unting nanginginig ang ating mga panga nang dahil sa kaba at nang dahil sa ginaw
At kahit nasa harap na natin ang malawak na kalangitang nakamamangha
Ay mas namamangha pa rin ako kung paano nilikha ng Panginoong Diyos ang bawat pulgada ng iyong mukha

Ganito yung mga panahong hindi manguya ng aking utak ang makunat na katotohanang napakarami nating pagkakatulad
Ganito rin yung mga panahong gandang-ganda tayo sa ating mga pagkakaiba
Ganito kaginaw noon nang magkwentuhan tayo ng ilang libong madudugong giyerang ating pinagdaanan
Noong mahangin na panahon kung saan sa bawat pag-ihip ng salita mula sa ating mga bibig ay kay rami nating natututunan

Ganito kalamig noon nung sinakluban mo ng init ang giniginaw kong mga kamay
Noong ang mundo na tila ay isa nang malamig na bangkay ay binigyan mo ng isa pang pagkakataon upang muling mabuhay

Ito na ang pinakamagandang panahon para sumulat ng tula
Kung saan pareho ang ginaw at pareho ang itsura ng kalangitang nakamamangha
Sa unang linya ay gagamitin ko ang iyong mga letra

"Gustung-gusto din kita"

Ito kasi yung sinabi mo sa pinakatamang malamig na panahon
Sa bandang dulo ay ikukuwento ko na lang siguro

Kung gaano ka na rin kalamig ngayon.

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon