SINAG

142 3 0
                                    

Sa lilim ng mainit na yakap ng malagim na kasalanan
Doon ako tumalukbong at matagal nanahanan
Hindi alintana ang bawat lunggati kong nasasayang
Pagdalaw ng katinuan ay bihira pa sa madalang

Pagsilong pa ba ang turing kung ang lahat ay madilim?
Pagkapit pa ba ang tawag kung ang lahat ay matalim?
Wala pa bang kapatawaran sa mga suwail na pangungusap?
Hindi ko natagpuan dahil 'di ko nga pala inapuhap.

Patayin Mo ang nakasampang multo sa aking likuran
Tabunan ang mga bakas ng paa sa dilim na aking nilikuan
Salamat sa pagtanggap kahit kapos ako sa liwanag
Pinihit Mo ako
Salamat sa'yong pagsinag.

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon