LIGTAS KA

46 1 0
                                    

Dito sa bubungan ng bahay nating pinapangarap
Kung saan ang pagsagip sa aking buhay ay di masagap
Nilulunod ng aking luha ang baha nitong bagyo
Bagyong humahampas na tulot ng paglisan mo

Tinangay na ang lahat ng mga anak nating pinaplano
Inanod na ng baha ng mapait nating pagbabago
Lahat sila'y nalunod, mula bunso hanggang panganay
Nalagutan na ng hininga sa ragasa ng iyong pagwalay

Kung nasaan ka man ngayon, alam kong ligtas ka
Binibilad ang sarili sa panahong napakaganda
Nagtatayo na siguro ng matataas na mga dingding
Na bububungan ninyo at tutulugan nang mahimbing

Pagtapos nitong bagyo, isasalba ko na lang marahil
Ang mga bahagi ng sarili ko na sinalanta mo ng hilahil
Ililibing lahat ng mga anak nating pinaplano
Hahakbang na lang siguro sa tuyot na lupa ng pagbabago.

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon