Lubos na pagpapasalamat ang iniaalay ko sa unan
Dahil ang luha ng mata ko ay siya ang inaanuran
Hindi napapagod sa pagsalo sa lahat ng aking hapis
Walang salya ang pagyapos, tinatanggap ako nang labis.Sa tainga ng dingding ang pag-inda ay umaagos
Mga sumbong ng aking pusong punung-puno na ng mga galos
Kung paano nagkakilala, nag-ibigan, at sabay nangarap
At kung paanong nawala ka hanggang sa dingding na lang ang kausap.Busog na ang hangin sa mga letra ng iyong pangalan
Sa kasasambit ko nga ang hangin ko'y nabubulunan
Wala naman kasing ibang paraan upang ako'y mapalapit sayo
Kundi ang paligiran ko ang sarili ng mga kataga ng ngalan mo.Hindi na mag-iisa
Kahit na mawala ka pa
Dahil hindi ako lilisanin
Ng aking unan, dingding at hangin.
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry
PoesíaIpagpatuloy nyo po ang pagbabasa baka na sa huli ang inyong hugot sa buhay.. Pasensya na po may hugot din hahahah.. Pero sana magustuhan nyo ito po ay kinuha ko sa mga kaibigan kong nagmessage sa akin... My FB name is Jed Victoria Valcora/Jed Valcor...