PANGALAN

69 1 0
                                    

Sa gitna ng dalawang nagmamahalan, ako'y namulat.
Dinig ko ang kanilang sambitan tungkol sa pag-ibig sa isa't isa.
Ang mga plano pag sila'y tumanda na.
Ramdam ang kanilang pagyayakapan.
Ang kanilang pagtatalik. Ang mga halikan.
Hindi ko alam ang aking pangalan.

Ramdam ko ang kanilang mga kamay.
Ang tainga ni itay.
Gusto ko siyang bulungan, "Sa bisig mo ako ay sasampay."
Sa kanilang pagyayakap ay luha ang kasabay.
Nagtaka ako.
Hindi parin alam ang pangalan ko.

Tuwing mag-isa, umiiyak si inay.
Ramdam ko ang kanyang hapis.
Bawat hikbi ay pagsakal sa aking leeg.
Ngayon pa lang gusto ko na siyang yakapin.
Kausap niya ako.
"Anak" ang tawag sa akin.

Sa araw na ito pinakamalakas ang kanilang paghikbi.
Ang sakit na aking nararamdaman, hindi ko mawari.
Mapait ang aking panlasa.
Hindi makahinga.
Namumulat pa lamang parang lumalabo na.
Wala pa akong pangalan.

Paalam na.

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon