Kilalang-kilala na kita
Lalo na ang hugis ng iyong mga mata
Kung anong hitsura nila kapag nakatitig sa akin
Na para bang hinding-hindi mo ko iiwanan talaga.Kilalang-kilala na kita
Mula sa amoy ng iyong buhok hanggang sa lasa ng iyong tinga
Kung paano ang tunog na nagagawa mo kapag ikaw'y natatawa
Kabisado na kasi kita.Kabisado ko na lahat
Pati ang iba't-ibang tono kung paano mo sabihing mahal mo ko
Na kahit hindi iyon ang nais mong iparating
Ay ikinukubli ng kaduwagan mong sabihin sakin ang totoo.Pero anu't-ano pa man.
Masarap pakinggan.Mahal mo ko.
Iyon ang sabi mo.
Kilalang-kilala na kita
Mula pa lang sa mga ibinabala ng mga tao sakin tungkol sa'yo
Na hindi ko naman tinanggap bilang katotohanan
Hanggang sa paulit-ulit mo na saking sinampal
Ang mga sabi mong hindi mo naman sinadyang mga kasalanan.Iyon ang sabi mo.
Madali lang saking magparaya
Lalung-lalo na ang magpatawad
Sa isang tono ko lang sasabihin, "Mahal kita."
Basta't hindi ka na mawawawalaKaso...
Kilalang-kilala na kita.
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry
PoésieIpagpatuloy nyo po ang pagbabasa baka na sa huli ang inyong hugot sa buhay.. Pasensya na po may hugot din hahahah.. Pero sana magustuhan nyo ito po ay kinuha ko sa mga kaibigan kong nagmessage sa akin... My FB name is Jed Victoria Valcora/Jed Valcor...