TAYO NA.
7 Replies
Tayo na
Mula sa'yong pagkakalugmok
Dala ng topak ni tadhana nang bigla ka na lamang niyang sinuntokTumayo ka na
Dahil nandito na ako
Pupulutin ang lahat ng bubog ng nabasag na damdamin mo.Tayo na
Doon sa tagpuang likha ng aking mga pangarap
Doon sa hindi ka nag-iisa dahil lagi ako sa'yong nakayakap
Pumunta na tayo doon
Hahawakan kita nang mahigpit
Hindi ka na hihikbi
Hindi ka ipagpapalitTayo na
Wala nang mag-isang ikaw
Wala nang mag-isang akoTayo na
May kasama ka nang sumigaw
Hanggang sumakit ang lalamunan moTayo na. Hindi na kayo
Ilang beses ko bang kailangang sabihin?
Baka naman pwedeng makisuyo
Ipadama mo rin naman sakin.
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry
ŞiirIpagpatuloy nyo po ang pagbabasa baka na sa huli ang inyong hugot sa buhay.. Pasensya na po may hugot din hahahah.. Pero sana magustuhan nyo ito po ay kinuha ko sa mga kaibigan kong nagmessage sa akin... My FB name is Jed Victoria Valcora/Jed Valcor...