Kung maghahanap pa ang iyong puso
Bigyan mo siya ng makapal na salamin
Dahil baka wala na siyang ibang makita
Baka wala na siyang iba pang mapansinKung gusto pang masurpresa ng iyong puso
Sa kung ano ang maibibigay ko pa
Wala na siguro. Ito na lang kasi ako
Ako yung taong madali mo lang maikumparaKung maghahanap pa ang iyong puso
Ng mas tuyong palad
Ng mas mabangong hininga
Ng mas matinong kausap
Ng mas magaling magpatawa
Sana kaya ko na lang kausapin ang iyong puso
Para masabi kong, "Patawad, pero mabibigo kita."
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry
PuisiIpagpatuloy nyo po ang pagbabasa baka na sa huli ang inyong hugot sa buhay.. Pasensya na po may hugot din hahahah.. Pero sana magustuhan nyo ito po ay kinuha ko sa mga kaibigan kong nagmessage sa akin... My FB name is Jed Victoria Valcora/Jed Valcor...