Adidas
Hindi kita ginamit at pinagkaingat-ingatan
At sa minsanang pagdampi ng pawis ng langit,
Ika'y aking iniaangat --
Malihis ka lamang sa makinarya ng tubig,
Siyang may maitim na balak.At sa lubak na daa'y, hindi ako patitisod
Minsan nga'y naiisip ko pang ako'y hibang sayo,
Pagkat di bale nang may galos,
Wag ka lang gantihan ng gasgas.At sa tuwing iaalis kita sa aking katauha'y,
Tila ayoko nang magbagong-bihis pa
Sapat ka na't ni ayaw nang maisantabi pa.Mahal,
Yan ang turing sayo.
Mahal,
Yan ang presyo mo.
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry
PoesíaIpagpatuloy nyo po ang pagbabasa baka na sa huli ang inyong hugot sa buhay.. Pasensya na po may hugot din hahahah.. Pero sana magustuhan nyo ito po ay kinuha ko sa mga kaibigan kong nagmessage sa akin... My FB name is Jed Victoria Valcora/Jed Valcor...