Hindi kita mahal
Libog lang 'to
Yung tipong gusto ko may masayang pamilya tayo
Ang anak natin, tatloHindi kita mahal
Pampalipas oras ka lang
Yung tipong ang gusto ko sa bawat oras na lumilipas
Ay kasama ka langHindi kita mahal
Napakapanget mo kasi
Ang pinapangarap ko nga sa buhay ay tuwing gigising ako sa umaga
Ikaw lang ang katabiHindi kita mahal
Ang bobo mo kasi
Yung tipong alam mo ang lahat ng tamang sabihin
Kapag pakiramdam ko wala akong silbiPatawad, pero hindi kita mahal
Hindi talaga
At alam ko darating ang araw na maniniwala din ako
Hindi kita mahal.
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry
PuisiIpagpatuloy nyo po ang pagbabasa baka na sa huli ang inyong hugot sa buhay.. Pasensya na po may hugot din hahahah.. Pero sana magustuhan nyo ito po ay kinuha ko sa mga kaibigan kong nagmessage sa akin... My FB name is Jed Victoria Valcora/Jed Valcor...