Chapter 1

510 11 0
                                    

Chapter 1

NAIINIS kong hinampas ang librong hawak ko sa lamesa kung saan umuupo si zion caridad.

"Bakit ba ang hirap mong pakiusapan?"

Napasuklay ako sa buhok ko saka napabuga sa hangin.

Bumubukal talaga ang dugo ko sa lalaking ito. Kung hindi ko lang ito mahal ay siguro matagal ko na 'tong ginilitan ng leeg. Matapos nang nangyari doon sa isla nila ay pakiramdam ko ay lalong bumubukal ang dugo ko sa kanya pero kasabay nun ay ang paglalim pa lalo ng nararamdaman ko.

"Hindi naman ako mahirap pakiusapan, zion. Nung nakiusap ka sa akin na ako nalang ang gumawa ng thesis dahil busy ka sa bitch na 'yon ay pumayag ako? Sobra-sobra na ata zion e."

"Bakit ako naman ang nagdefend a?"

"Ewan ko sa'yo zion! Ang akin lang naman ay labas na ako sa relasyon ninyo ng babae mo. Hindi naman na kita kaibigan diba?"

Nagtagis ang bagang niya saka sumeryoso ang tingin niya sa akin.

"It's your fault."

Pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Talaga bang kasalanan ko? O nagpabulag ka lang?"

"Both." aniya.

Napairap nalang ako saka padabog ko siyang iniwan. Gumagawa nga ako ng paraan kung paano ko sila paghihiwalayin tapos ako pa gagawin niyang wedding coordinator? Gago ba siya? Kung alam niya lang kaya kung i-sabotage lahat.

Nasa may pintuan na ako ng classroom nang hinawakan niya ang braso ko. Napatingin ako sa kamay niya saka ako napabuntong-hininga. Kahinaan ko pa rin pala ang bawat pagdampi ng balat niya sa balat ko.

"Please.. please.. I'm begging priscilla. Ikaw lang ang kilala ko na magaling sa mga ganito. Kapag ginawa mo ito ay promise titigilan na kita. This will be the last time."

Napapikit ako. Talaga namang ito na ang huli dahil matapos kong siguraduhin ang kaligtasan niya, magpapakalayo-layo na ako.

Napakuyom ang kamao ko nang nakita ko ang hitsura niya. Talaga ngang desperado siyang ako ang gumawa ng proposal niya. Hindi ko naman talaga kasing maiitanggi na magaling ako sa mga pag-organize ng mga events pero ang mas pinili ko ay ang kursong gusto ng daddy't mommy ko which is about sa pagpapatakbo ng kompanya.

"Give me one reason that can satisfy me, zion. Give me one reason that can make me say 'yes'."

"You know me priscilla. Kapag nagmahal ako wagas. Ikaw ang nakakita lahat, naramdaman mo rin kung paano ako magmahal at mag-alaga. Mahal ko si devilyn, priscilla. Mahal na mahal ko siya and i'm willing to give her everything. I love her so much, pris. I want the best for her and you are the best in this field. I want you to help me, priscila. Please.."

Napalunok ako saka napaiwas ng tingin. I want to slap him for slapping those words right in my face. Feeling ko ay sinusunog ng bawat salita niya tungkol sa pagmamahal niya sa babaeng iyon ang kaluluwa ko.

I will help him organize this wedding but it doesn't mean na hahayaan ko siya sa babaeng iyon. I cleared my throat and tried my very best not to cry.

"When and where do you want your proposal to happen?"

Napangiti siya at biglang lumiwanag ang kanyang mukha. Talaga ngang head over heels siya sa girlfriend niya and here I am nagbabakasali na hindi sila pwede dahil sa klase ng pamumuhay na mayroon si devilyn pero siguro ganyan talaga ang pagmamahal, lahat ginagawang pwede. And I envy devilyn for that. I envy her for having someone like zion.

"Nextweek sa isla namin."

Napasinghap ako.

"Pagkatapos ng graduation natin?" Tumango siya at ngumiti.

Island of TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon