Epilogue

510 13 4
                                    

Epilogue

"Is it true? Devilyn's already your girlfriend?"

Nagmulat ako ng mata nang may naramdaman akong tapik sa aking balikat. Naipilig ko ang ang ulo ko nang nakita ko ang seryosong tingin sa akin ni abel.

Tumikhim ako.

"Ano namang problema dun?"

"She.. she's a pornstar! Marami iyong lalaki, masasaktan ka lang sa kanya." Aniya na ikinatagis ng bagang ko. "She promised me, she'll never do that job again." Naningkit na mata kong sabi sa kanya.

Hindi natin pwedeng husgahan ang mga taong may ganoong trabaho. Hindi natin alam kung ano nga ba ang rason sa likod nun kaya anong karapatan nila? Porke't nakita nilang ganoon ang tao?

Tiningnan ko siya ulit at nakaisang linya ang mga labi niya.

"Paano ka nakakasigurado? Nahihibang ka na ba! She's a wh--"

Tumayo ako saka ko siya galit na kwenelyuhan.

"Don't you ever call her that! Don't you fvcking dare, ortega!"

Galit niya rin akong tinulak saka siya tumawa ng mapait. Dinuro niya ako.

"I'm warning you, caridad! Masasaktan ka lang sa kanya! At nang dahil sa kanya nasasaktan at masasaktan si priscilla! Nilalayuan mo siya ng dahil sa pvtang iyon? Pambihira! Gago ka talaga!"

Mukhang nagpantig naman ang tenga ko sa narinig ko mula sa kanya. Kumunot ang noo ko pero di kalauna'y natawa nalang ako. So he's concerned to her now, huh?

Si priscilla ang unang umiwas sa aming dalawa. Iniwasan niya ako nang hindi ko alam ang rason, pinabaril niya ako and she even pushed devilyn. She hates me a lot kaya bakit ko pa ipipilit ang sarili ko sa kanya? Kung iniiwasan niya ako, ako rin iiwasan ko rin siya.

"Oh.. so you're nagging me because of her, huh? You like her? Then go and like her all you want!"

Nahihibang niya akong tiningnan saka siya napailing-iling at padabog niya akong tinalikuran. Kumuyom ang kamao ko. Abel can't like her. No one can like her. No one.

Am I selfish for that? Maybe, I am. I just don't like seeing her with someone else. Hindi ako papayag. Hindi ko papayagan na may lalaking iba sa tabi niya kasi makasarili ako. Kung ayaw niya sa tabi ko, ayaw ko rin na nasa tabi siya ng ibang lalaki. Hindi pwede.

Napabuntong-hininga ako saka nalang biglang may nahagip ang aking mga mata.

Tagis bagang kong tiningnan si priscilla na naglalakad sa may hallway, may hawak siyang libro, mukhang nagbabasa ito habang naglalakad, kitang-kita ko siya mula dito sa kinauupuan kong bench sa open field ng AU.

What is she doing? Hindi ba niya alam na maaari siyang madapa sa ginagawa niya? Is she still sane? Napahilot ako sa sentido ko. I have a girlfriend now. Dapat siya nalang ang pagtuonan ko ng pansin, hindi si priscilla. Hindi ang iba.

Lumipas ang mga araw, buwan at taon, kami pa rin ni devilyn. Hindi kami naghiwalay at wala naman akong balak. Mahal ko siya and she satisfied my needs a lot.

"Invite priscilla's family. May party kaming inihanda sa isla caridad. Here's the invitation."

Kunot noo kong tiningnan ang aking ama na may hawak-hawak na invitation.

"You can send that to them. Marami naman diyang katulong kung ayaw mo ipa-fax mo nalang." pabalang kong sabi na ikinatagis ng bagang niya.

"Zion.." May pagbabantang sabi niya.

Napabuga nalang ako sa hangin saka ko marahas na kinuha sa kanya ang imbitasyon at padabog na lumabas ng bahay saka na sumakay sa kotse. Pagkadating ko sa AU ay agad na hinanap ng aking mga mata si priscilla. Napatingin ako sa aking relos at ala-una na pala. Alam ko na kapag ganitong oras ay nasa library siya.

Island of TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon