Chapter 12

324 8 0
                                    

Chapter 12

Nakatingin ako ng mariin sa pinsang kong si kuya kiall na nakapamulsa. Pinsan ko pala siya.. dahil ang mama niya'y half sister pala ni mommy at ng mama ni angelica. Ipinilig ko ang ulo ko nang tumingin siya sa akin.

"Nang nakaraang araw ko lang din nalaman na magpinsan pala tayo. Si mama pala kasi iyong nawawalang anak ng pamilyang hwang at ang mama lang ni angelica ang nakakaalam nito at si mama. Kaya pala ganon nalang magluksa si mama pagkawala ng mommy mo." Aniya. Tumango-tango ako. "Hindi ba galit sina tita k sa kanya?" tanong ko.

Umiling siya saka siya tumingin kay kuya zenedic na may dalang bag.

"Hindi galit si mama." Aniya saka ko nakita ang kamao niya na kumuyom. "Kaya pala galit na galit ako kay zion nang malaman ko ang ginawa niya sa'yo dahil magkadugo pala tayo." Dagdag niya.

Humalakhak ako at nag-umpisa ng maglakad papasok ng bahay at sumunod naman siya sa akin.

"Move-on na, kuya."

"Anong move-on? He hurt you, priscilla! Fvck that asshole!" Aniya na galit na galit. Tumawa naman ako "Seryoso, kuya? Inuutusan mo ba akong anohin siya?"

Sinamaan niya ako ng tingin.

"Bakit parang wala lang sa'yo ang ginawa ng gagong iyon?!" Aniya na ikinangiti ko lang ng mapait. "Bakit? Kung magmumukmok ba ako at maghihiganti.. mawawala na ba ang sakit? Diba hindi? Kaya mas mabuti nalang na huwag ko nalang isipin ang ginawa sa akin ni zion.. ako at ako lang din naman ang magdudusa kong didibdibin ko pa 'yon."

Napailing-iling siya saka niya ginulo ang buhok ko at ako naman ay biglang nanlambot pagkatapak ng mga paa ko sa main door ng bahay naming nagkakapatid na bahay nina mama't papa.

"Ibang klase ka talaga." narinig ko lang sabi ni kuya kiall. Tiningnan ko siya. "Kamusta na ang mga toralba?"

"Nasa impyerno na sila kaya huwag mo nang hanapin." Aniya at saka siya bumuntong-hininga. "Kung sana ay tinanggap mo lang ang tulong namin ni jino noon.. baka ngayon masaya ka pa."

"Tinulungan naman na ninyo ako ngayon, a?"

"Ngayon lang at sobrang napakahuli na.. nasaktan ka na at marami ng nadamay bago ka pa namin na tulungan."

"Kalimutan nalang natin iyon." sabi ko saka ako tumingin sa sala ng bahay namin.

Nasa pintuan parin kasi kaming dalawa. Parang ayoko kasing tumapak. Parang napapaso kasi ang buong kaluluwa ko. Ang bahay na ito kasi ang naging saksi kung paano ko binigo sina mommy't daddy.

"Sana ganon lang kadaling kalimutan." aniya na hindi ko na pinansin dahil naging abala ako sa pagtanaw ng mga bagay-bagay sa bahay namin.

Napapikit nalang ako nang nakaramdam ako ng pamimigat sa dibdib ko. Nasasaktan ako na makitang blanko ang bahay. Walang mommy at daddy, walang tanner at tyler. Nagmulat ako ng mata saka ko tiningnan si kuya kiall.

"Magpapahinga na muna ako, kuya."

Tumango siya na parang ang sinabi ko ang pinakatama na narinig niya ngayong araw.

"Tama, magpahinga ka na muna. Kailangan iyan ng baby mo." Nakangiti niyang sabi. Ngumiti rin ako. "Salamat, kuya."

Tinalikuran ko na siya saka na ako dumiretso sa kwarto ko. Sa dating kwarto ko.. nilibot ko ang tingin ko sa apat na sulok ng kwarto ko at ganoon nalang ang panghihina ng tuhod ko kasabay ng paglaglag ng panga ko nang may nakita akong mga balloon na nakasabit sa paligid. May mga gifts din sa may kama ko.

Dumako ang tingin ko sa pader kung saan mayroong malalaking letters na nakasabit na ni-lettering pa ata ni tyler at tanner.

"Happy birthday and happy graduation day ate! We love you!"

Island of TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon