Chapter 23

375 7 0
                                    

Chapter 23

Pakiramdam ko ay kakapusin ako ng hininga pagkakita ko kay priscilla na nakahiga sa sahig habang may nakapatong na lalaki sa kanya. Hinahalikan siya nito at hinuhubad ang suot niya habang si priscilla ay hagulhol lang ginagawa habang tinatawag ang pangalan ko.. humihingi ng tulong pero nakikita ko lang ang sarili ko.. nakatayo sa may pintuan at nang mas lalo pang lumakas ang sigaw ay mas pinili ko pa siyang ignorahin at pinabayaan and after that the scene suddenly changed.

Iba nanaman ang nakikita ko. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid at pakiramdam ko'y may tumarak na kutsilyo sa dibdib ko pagkakita kong sinasaktan ko si priscilla at mas lalo pang nasugatan ang puso ko nang umabot sa scene na kung saan hinahalay ko si priscilla at pinagsisipa.

"Baliw ka."

Pakiramdam ko ay mababaliw ako sa naalala kong sinabi ko kay priscilla habang sinisipa ko siya.

"Papatayin ko ang baby mo!"

Namilog ang mata ko nang nakita kong maraming dugo na ang nasa pang-upo ni priscilla at sa may paanan niya.

"Priscilla!"

Agad akong napamulat habang hingal na hingal. Napahawak ako sa dibdib ko saka napapikit.

Nagawa ko iyon? Ginawa ko iyon? Mas diniinan ko pa ang paghawak sa dibdib ko. Ang sikip-sikip, pakiramdam ko sasabog ang puso at utak ko dahil sa mga naalala ko.

"Mabuti gising ka na."

Nagmulat ako ng mata saka ko nakita si jack naka halukipkip habang si kiall ay nakasandal sa may hamba ng pintuan at si jino na nakatingin lang ng seryoso sa akin at may hawak itong brown envelope.

"Dapat sana siya nalang ang minahal mo noon. Dapat sana ay minahal mo nalang siya noon. Sana wala nang may nahihirapan ngayon. Kayraming sana pero hanggang sana nalang dahil alam natin pareho na hinding-hindi na mangyayari ang mga sanang iyon."

Napailing-iling ako saka ko hinawakan ang ulo ko at kinapkap ang katawan ko. Wala akong may maramdamang sakit sa katawan ko.

"Unfortunately, the truck didn't hit you." Narinig kong malamig na sabi ni kiall kaya napatingin ako sa kanya. Nakatingin lang siya sa akin ng seryoso. "What a lucky asshole, right?" sarkastikong halakhak niya.

"Hindi ka binangga ng truck at hinimatay ka lang talaga dahil sa sakit ng ulo mo. Hindi ka na nilagyan ng dextrose dahil hindi naman malala."

Napatingin ako kay jino nang naglakad ito papunta sa akin saka niya nilagay ang brown envelope sa gilid ko. Dahan-dahan naman akong umupo saka ko iyon kinuha at binuksan at ganoon nalang ang pagkunot ng noo ko nang may nakita akong mga picture.. picture ni devilyn kasama ang mga hindi ko kilalang lalaki.

"I'm sure naaalala mo na lahat, right?"

Marahan lang akong tumango saka ko inisa-isang tiningnan ang mga litrato. I crumpled the pictures.

Hindi ko matanggap na nagawa kong saktan si priscilla dahil sa kanya.

"They were devilyn's lovers. She used her body to manipulate those rich men, she made them fall in love with her and after that she'll request a wedding and asked them to put all their money to her bank accounts and after that.. she'll kill them." Ani jino kaya napatingin ako sa kanya. "D'you even know how many men she married, zion? She married twenty men."

Napangiwi ako sa sinabi niya pero ngiwing may galit.

"How come na nakapagpa-annul siya ng mabilis? Mahirap ang magproseso ng annulment dito." Wika ko habang pailing-iling na ikinangisi niya. "Because she faked it and myra priscilla montellave saved you from that misery but what did you do? You made her crazy and you almost killed your baby. Who's more cruel now, caridad? Hmm? Ngayon, Who deserves hell? Siya pa rin ba? Tandaan mo. Muntik ng mamatay ang mga anak mo at kagagawan mo iyon!"

Island of TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon