Chapter 15
Napamura ako nang hindi ko talaga mabuksan ang digital lock. Matalino ako. Dapat ay kaya ko ang isang 'to. Dapat ay napakasimple lang nito. Biglang kong nailayo ang kamay ko nang nakaramdam ako ng kuryente. Pailing-iling akong lumayo sa digital lock at napasabunot sa sarili.
Oo nga pala. Hindi simpleng tao si zion. Kung matalino ako, matalino rin siya.
Napabuga ako sa hangin saka dumako ang tingin ko sa pintuan ng kusina. Agad akong tumakbo papunta roon saka ako tumingin sa wrist watch ko. Isang oras na ang nakalipas simula nang umalis siya at laking pasalamat ko na wala pa siya.
Napahawak ako sa tiyan ko saka napangiti dahil nawala na ang sakit ng tiyan ko kanina pa.
"Baby ang brave mo talaga. Hindi mo pinasakit ang tiyan ni nanay."
Inilibot ko ang tingin sa paligid at tumingin sa mataas na pader. Hindi ko kayang akyatin iyon. Napatingin ako sa dagat nang may naisip ako at kaagad akong napatampal sa noo ko.
Bakit ngayon ko lang naisip ito?
Naglakad ako papunta sa dagat saka ako tumapak sa tubig hanggang sa umabot na sa may bandang dibdib ko nang nawala na ang harang na pader pero may nakaharang naman na grills na yari sa bakal. Napahilot ako sa sentido ko. Matalino talaga ang gagong iyon! Hindi ko na kayang makawala sa grills na bakal dahil alam kong lampas tao na kapag sinubukan kong lumabas sa boundary. Hindi ko na kayang lumangoy dahil ang bigat-bigat na talaga ng tiyan ko at mga binti.
Aalis na sana ako pero kaagad akong napangiti nang may nakita akong tao na naliligo mga bente metros ang layo sa akin. Paano ko ba siya matatawag? Maririnig kaya niya ako kapag sumigaw ako? Hindi ko rin alam kung paano niya ako matutulungan. Napalunok ako.
Katapusan na ba namin ng anak ko? Paano ako makakatakas kay zion? Si zion pa naman.. ang taong tumutupad sa sinasabi niya.
Napapikit ako at umiiyak na napahampas sa tubig. Wala akong kwentang nanay. Hindi ko kayang maprotekatahan ang anak ko. Ang tanga ko kasi. Ang tanga tanga ko.
"Miss?"
Napamulat ang mga mata ko nang may narinig akong boses ng babae. Nilingon ko ito at ganoon nalang ang pagsigla ulit ng mukha ko nang may nakita akong dalawang babae at isang lalaki na nakakunot ang noo.
"Ano pong ginagawa niyo riyan?" Tanong niya saka sila nagsagwan papunta sa akin. Umiiyak akong ngumiti. "Please tulungan niyo kami ng baby ko.." hikbi ko.
"Hala miss! Huwag kang umiyak. Tutulungan ka namin." Aniya at siniko nito ang kasama niyang lalaki. Ipinilig nito ang ulo niya. "Priscilla Montellave.. buhay ka." He stated.
Umiiyak akong tumango at kaagad naman siyang bumaba mula sa bangka. Binuhat niya ako saka niya ako maingat na pinasakay sa bangka. Umakyat din siya saka niya ginulo ang buhok niya at napailing-iling.
"Did zion caridad kidnapped you?" Aniya saka siya napamura. "And kuya drake didn't even know about this?" Kausap niya sa sarili niya saka siya napailing at tumingin sa akin.
"Ayaw ko sanang madamay kami sa gulo ninyo but.. my conscience will eat me kapag nabalitaan kong may nangyaring masama sa'yo lalo pa't nakita ka namin at humihingi pa ng tulong."
Narinig ko naman na tumawa ang babaeng tumawag sa akin kanina.
"Told ya, marie! May bait na itinatago ang kapatid ko! Kaya magpaligaw ka na!"
"Shut up." sabi nung lalaking kilala si drake saka niya sinenyasan ang bangkero na paandarin na ang bangka.
Naiiyak akong ngumiti. "Maraming salamat. Maraming salamat sa inyo." Hagulhol ko. Ngumiti lang ang babaeng nagngangalang marie saka ako nito kinumutan ng balabal. "I'm sure.. kuya zion will hunt you down." Aniya saka siya tumingin sa bangkero. "Manong, dumiretso na tayo sa moroca. I'll pay you double." anito sa bangkero at ngumiti sa akin.
BINABASA MO ANG
Island of Tears
General FictionReckless Barkada #3 "I hate your tears, it makes me crazy." - Zion Caridad Copyright © 2015 by AngelisticFantasy, All rights reserved.