Chapter 4

320 10 0
                                    

Chapter 4

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang ang kamay ko'y nag-uumpisa ng mamanhid sa sakit. Nawalan na kasi ng laman ang dextrose at puro dugo nalang ang makikita mo sa iv. I sighed deeply and pushed the button na nakadikit sa wall sa may uluhan ko to call a nurse.

Napakagat nalang ako sa pang-ibabang labi ko nang sumakit pa lalo ang likod ng palad ko kung nasaan nakatusok ang catheter, nangangalay na ang kamay ko at sobrang sakit na talaga na iyong tipong parang sinisipsip ng iv tube ang dugo ko dahil sinisipsip naman na talaga.

Napatingin ako sa pintuan nang inuluwa nun ang kambal kong kapatid at pagkakita nila sa iv ko'y pumutok na ang mha mura sa bungannga nila.

"Tangina! Tumawag ka ng nurse!" Asik ni tanner kay tyler habang pwersahan niya itong tinulak palabas.

Napangiwi ako ng bigla pang sumakit lalo ang likod ng palad ko na parang pati ang pulsuhan ko'y nadadamay.

"Ate naman! Bakit hindi ka tumawag ng nurse?!" Galit na wika ni tanner sa akin. Nginitian ko lang siya saka ko humilig sa balikat niya nang umupo siya sa tabi ko saka niya siinuklaysuklay ang buhok ko. "Kanina pa ako tumawag pero busy sila siguro." Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko nang naramdaman ko ang mainit na likido sa gilid ng mata ko. "Ang sakit na talaga, tanner." Naiiyak kong sabi.

Narinig ko siyang humalakhak.

"Nasaan na ang ate kong palagi lang fierce at suplada? Pakibalik nga siya at baka mapatay ko ang mga nurse dito."

Hinampas ko lang siya ng mahina gamit ang isa kong kamay.

"Ang sama mo."

Tumawa lang siya at niyakap ako.

Napatingin kami sa pintuan nang bumukas ito at pumasok si tyler na galit na galit ang mukha kasama ang dalawang nurse na parang mga pusang malapit nang mamatay. Agad naman nagmadali ang dalawang nurse na asikasuhin ang dextrose ko pagkakita na pagkakita nila sa iv kong napupuno na ng dugo na parang papasok na sa loob ng sisidlan ng dextrose.

"I can make you jobless! All of you here!" Galit na galit na sigaw ni tyler sa dalawang nurse.

Napabuntong-hininga nalang ako. Talaga kasing kaya niyang tanggalan ng trabaho ang mga nurse rito dahil sa pinsan namin ang may-ari nito at lalo pa't sa murang edad ng dalawa ay may share pala dito na hindi ko alam kung paano nila nagawa.

"I'm sorry po. Si mr. Caridad po kasi ang may-ari nitong isla at kayang-kaya niya kaming paalisin lalo pa't kaibigan niya po ang may-ari ng hospital." wika ng isang nurse at hindi pa nakaligtas sa mga mata ko ang pasikretong pagsiko ng kasama nitong nurse.

Napabuntong-hininga nalang ako. Si zion nanaman ang dahilan.

Nakita ko naman ang paglabas ng mga ugat sa kamay ni tyler at nilingon ko naman si tanner na nakayakap sa akin at nagtatagis ang bagang nito.

"Ano nanaman ang ginawa ng gagong iyon?"

Nagkatinginan ang dalawang nurse at mukhang wala silang may balak na sabihin. Huli na sila dahil una palang ay nadulas na sila. Sa tono at sa punto ng salita kanina ng isang nurse ay may ginawa nanaman si zion.

"Ano? Sagot!"

Napaigtad ang dalawang nurse sa pagdagundong ng boses ni tyler sa apat na sulok nitong kwarto.

"A-ano p-po kasi.. ano kasi--" Bumuntong-hininga ang nurse. "Hinarangan po kasi ni sir zion ang bawat nurse na pupunta dito."

"Eh putangina pala siya e!" Sigaw ni tyler at madali itong lumabas ng kwarto ko.

Hinila-hila ko naman ang laylayan ng damit ni tanner.

"Sundan mo 'yong kakambal mo! Baka anong mangyari dun!"

Island of TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon