Chapter 6
Napatingin ako sa mga empleyadong nakaraya sa harapan ko. They're all bowing their heads kay zion at iyong iba'y mukhang kinakabahan pa.
"Okay. You may go now." Ani zion matapos niyang sabihin ang gusto niyang sabihin sa mga ito.
Mabilis naman nagsialisan ang mga empleyado ng maingat at walang ingay.
Hindi ko alam na ganito pala katakot ang mga empleyado niya sa kanya. Siguro sobrang strikto ni zion dito sa isla niya kaya natatakot sa kanya ang mga empleyado niya. Alam naman nila siguro na makapangyarihan din si zion. He owned this island and he has a hotel here at saka may club rin siya rito hindi lang dito sa isla kung hindi sa buong pilipinas at sa ibang panig ng asya. Sa ibang bansa mayroon rin siyang ibang negosyo pero mas kilala talaga siya bilang may-ari ng pinakasikat na isla caridad at bar na the eve.
"Manager ramos and manager kim please remain."
Marahan namang tumango ang dalawang may-ari ng pangalan at tumingin sa akin. Namilog ang mata ko nang makilala ko ang dalawa. The two are one of my classmates sa history. Mga malditang ingratta sila at kalahi nila si devilyn one hundred percent!
Pero teka lang.. isang buwan palang ang nakalipas nang naka-graduate kami at ngayon manager na sila?
"She's myra priscilla. She will be one of my employees starting from now. Every morning she'll work as a housekeeper and every night she'll work as a waiter sa bar. Please kindly assist her. Make sure that she'll do her job properly or else--"
Mabilis akong napatingin kay zion.
"Ano?! Gagawin mo akong--"
"You can't say no, priscilla. You're not allowed to say no."
Tumahimik nalang ako saka marahang tumango habang nakakuyom ang kamao. Kung wala lang akong atraso sa kanya at kung hindi ko lang siya mahal ay baka hinayaan ko na siyang paglamayan ng mga kaibigan at pamilya niya.
"Good. And now change your clothes. You'll start your job right now."
Hindi ko siya sinagot at sinenyasan ko lang ang dalawang manager na umalis na kami. Nakalimang hakbang na kami nang nilingon ko si zion and he's staring at me intently with anger in his eyes. Ipinilig ko nalang ang ulo ko saka ako bumuntong-hininga.
"Ikaw po iyong nag-organize ng magiging kasal sana nina mam dev at sir zion diba? And I once saw you sa isang magazine. You're the genius heiress of montellave empire."
Liningon ko ang nagtanong sa akin saka ako tumango. Napailing ako. They're using 'po' sa akin? Wow! Achievement na iyon ng dalawa.
"Kayo lang ba ang nakakaalam? Huwag niyong ipagkalat na ako iyon and please huwag niyong ikalat na nagtatrabaho ako rito."
"Bakit po ba kayo nagta-trabaho rito? At saka ano niyo po ba si sir zion? Diba ikaw iyong classmate namin sa history?" tanong naman nang isa.
Tipid ko siyang nginitian.
"I'm sorry hindi ko pwedeng sabihin. It's a secret between us and zion at oo ako iyong classmate niyo sa history."
Tumigil silang dalawa sa paglalakad kaya tumigil din ako. Hinarap nila akong dalawa saka sila namaywang at iyong isa naman ay may ipanakitang picture namin ni zion at may caption pang 'Are these two popular personalities already married? blabla'
"Secret? But it's now all over the internet na asawa mo na si sir zion." Mataray niyang sabi. Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Ano naman ang pakialam mo?"
Humalakhak siya saka nalang nila akong dalawa iinakbayan. Kumunot ang noo ko nang naramdaman kong sabay nila akong dalawang hinawakan sa baywang and the next thing I know ay nakabulagta na ako sa sahig. Napahawak ako sa may hips ko saka ko silang dalawa sinamaan ng tingin at hinay hinay na tumayo. I am pregnant for pete's sake!
BINABASA MO ANG
Island of Tears
General FictionReckless Barkada #3 "I hate your tears, it makes me crazy." - Zion Caridad Copyright © 2015 by AngelisticFantasy, All rights reserved.