Chapter 16
Marahas niya akong itinulak pagkaabot namin sa bahay niya rito sa maynila. Dinuro niya ako at kaagad na sinampal. Lumebel siya sa akin saka niya marahas na hinawakan ang panga ko.
"Ang lakas ng loob mong tumakas!"
Kumuyom ang kamao ko. Galit ako sa kanya to the point na naiiyak ako.
"Baliw ka zion. Baliw ka."
Bigla niya akong sinakal kaya napahawak ako sa braso niya. Nanlilisik ang mga mata niya habang nakatingin sa akin at maya-maya ay bigla nalang nanggilid luha sa mga mata niya.
"They're gone, priscilla." Aniya saka lumuwag ang pagkakasakal niya sa akin hanggang sa wala na ang kamay niya sa leeg ko.
Napaupo siya saka niya nasapo ang mukha niya.
"Karma ko ba ito? Kasi sinasaktan kita para iparamdam ko sa'yo ang nararamdaman ko? Wala na si devilyn, priscilla. She died with our baby, you hit her wound badly priscilla.. she lost a lot of blood na naging dahilan para kunin sila sa akin."
"Hindi ko naman alam. Kung alam ko lang.."
Galit niya akong tiningnan.
"Dapat ay hindi mo siya sinaktan!" Sigaw niya kaya kumuyom ang kamao ko. "Para ano? Para ako ang saktan niya? Buntis din ako, zion! At hindi ko hahayaan na masaktan ang anak ko na anak mo!"
"Hindi ko anak 'yan." kuyom na kamao niyang sabi. Umirap ako. "At paano ka nakakasigurado na anak mo ang dinadala niya?"
Natahimik siya kaya napabuntong-hininga ako.
"You don't know her that much, zion. Mas kilala ko siya kaysa sa kilala mo siya. Her name describes who she is, zion. Hindi ko alam kung bakit ang hirap mong papaniwalain." Bumuntong-hininga ako saka nalang tumulo ang luha ko. "Am I that bad, zion? Do you think magagawa ko ang lahat ng iyon? Sabay tayong lumaki, zion. Alam na natin ang baho ng isa't-isa pero ikaw.. mas pinili mo siya."
Napalunok ako dahil sa pagbara ng kung ano sa lalamunan ko saka ko pinunasan ang luha ko.
"Hindi ako ang bumaril sa'yo noon, zion. Hindi rin ako ang nanakit kay devilyn, hindi ako ang nagpakalat ng videos mo noon at mas lalong hindi ako ang pumatay sa baby mo. My parents raised me well, zion. And it hurts me that the person I treasured more than myself judged me so easily na parang wala kaming pinagsamahan. You have the money, you have all the connections.. why didn't you find out the truth with yourself?"
"Because you love me.. and I know you.. if you want something you have the capacity to do dirty tricks in order to get what you want."
Umiling ako.
"You and your reasons again, zion. Huwag na tayong maglokohan dito. Ayaw mong malaman ang totoo dahil ayaw mong masaktan ka.. ayaw mong malaman na ang taong mahal mo at ipinalit mo sa bestfriend mo ay ang taong kaya kang itapon na parang wala lang." My voice cracked. "Bakit kasi hindi ako? Pwede bang ako nalang? Ako nalang, zion."
Umiling siya saka tumayo.
"Huwag mong bilugin ang ulo ko." aniya lang at tinalikuran ako.
Umupo siya sa sofa at may kinuha sa ilalim ng sofa.
Nakangiting malungkot akong umiiyak habang pinagmamasdan ko siyang humihithit nanaman ng bawal na gamot. He's drowning himself with drugs again. Napabuntong-hininga nalang ako saka tumayo at tumungo sa kwarto kung saan ako natutulog noon nang magkaibigan pa kami.
Pagkabukas ko nang kwarto'y agad kong nilibot ang tingin ko sa paligid. Walang nagbago. Walang may humiga rito. Napaharap ako sa life-sized mirror saka napatingin sa repleksyon ko.
BINABASA MO ANG
Island of Tears
General FictionReckless Barkada #3 "I hate your tears, it makes me crazy." - Zion Caridad Copyright © 2015 by AngelisticFantasy, All rights reserved.