Chapter 5
"Ate sigurado ka na bang ngayon ka magpapakita kay daddy? Galit na galit siya sa'yo! Sana ay sinabi nalang natin kay daddy ang ganitong problema. At saka paano ka nabuntis?!"
Napabuntong-hininga lang ako saka ako napahimas sa tiyan kong wala pa namang baby bump.
"Daddy won't believe us, ty. Alam mo naman na hindi kapani-paniwala ang plano ng mga toralba at paano ako nabuntis?" Ngumiti ako ng tipid. "Daddy won't allow me to marry zion kung walang valid na reason. So here, I impregnate myself."
Nagpapadyak siya saka siya napasabunot sa buhok niya.
"You slept with someone? Alam ko naman na hindi papatol sa'yo si zion." Napasimangot ako. "Grabi ka naman sa akin."
"I'm just saying the truth, ate. Bakit ka naman nagpabuntis sa iba? Kung kay zion lang ay okay lang dahil papakasalan mo naman siya pero sa iba ate? Sa iba? Nababaliw ka na ba?"
"I told you, ty. I impregnate myself."
Napatingin ako kay tanner nang nagsalita ito.
"You impregnate yourself? How did you do it? Wala ka namang sperm cell maliban nalang kung--" Pinutol niya ang sinabi niya at tumingin sa akin kaya ngumiti ako.
"Nagpunta ako sa doctor saka nagpa-inseminate. The doctor inseminated zion's sperm inside me."
Nababaliw akong tingnan ng dalawa.
"Ate? Hindi ko alam kung baliw ka ba o ano. Sigurado ka bang walang epekto 'yan? Successful ba?"
Nginitian ko lang sila saka ako tumango. Hindi na sila nagsalita pa at hindi na rin sila nag-abala pang magtanong kung paano ako nakakuha ng sperm ni zion.
I did something hilarious last moth nang makalabas ako ng hospital. Pumunta ako sa isang masquerade party at nilasing si zion and the next thing I did is I hired someone who can do the job without zion's knowledge. Ayokong ako ang gumawa at baka maisipan ko nalang magback out bigla sa mga nakakaloko kong mga plano.
Nilasing ko si zion para magawa kong sabihin na ako ang kasama niyang babaeng nakasmakara sa party na ako naman talaga except lang sa loob ng kwarto at sasabihin kong may nangyari sa aming dalawa na hindi naman totoo.
Kahit masakit damhin na may kaanig nanaman si zion nang gabing iyon ay wala akong magawa dahil ako naman ang nag-utos. Ayokong ako ang magiging kasama niya at makipag-ano sa kanya dahil may kahihiyan pa naman ako. Hinding-hindi ko naman gagawin ang bagay na ito kung hindi kailangan.
Napatingin kaming tatlo ng mga kapatid ko sa hagdanan nang narinig namin ang mga mabibigat na yabag mula kay daddy. Nang nakalapit siya sa amin ay muntik na niya akong masampal mabuti nalang at nasangga ng kambal kung hindi sana paniguradong dudugo ang mga labi ko nito.
"What are you thinking at nagpabuntis ka, myra priscilla? Kaka-graduate mo lang kumrengkeng ka na agad!"
Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko saka ako yumuko.
"I'm sorry, dad."
"Who's the father priscilla?"
Napatingin ako sa kanya saka ako napatingin sa magkakambal kong kapatid saka ako napalunok. Ibinuka ko ang mga labi ko at tuluyan ko nang nabanggit ang pangalan ni zion.
"That bastard! He hurt you a month ago priscilla and now nagpabuntis ka sa kanya? Nasaan siya? At nang matanim ko ang bala ng baril ko sa utak ng gagong iyon!"
"Dy naman! Hindi naman po kasalanan ni zion! Wala po siyang alam na may nangyari sa amin dahil lasing siya! Kusa ko pang ibinigay ang sarili ko kasi-- kasi mahal ko po siya."
BINABASA MO ANG
Island of Tears
General FictionReckless Barkada #3 "I hate your tears, it makes me crazy." - Zion Caridad Copyright © 2015 by AngelisticFantasy, All rights reserved.