Chapter 30

391 7 0
                                    

SPG

Chapter 30

Naipilig ko ang ulo ko nang may narinig akong may strum ng gitara. Tumayo ako saka ko inayos ang nagusot kong puting bestida na pinasuot sa akin kanina nina catris, celine, angelica, chloe, sandra at linsey. Bumaba ako ng cottage saka ko sinundan ang tunog ng gitara at ganoon nalang ang pagkunot ng noo ko nang may nakita akong mga taong nakaupo sa mga silyang may puting tela na may design ng telang kulay berde na nakakorteng ribbon sa likod ng bawat upuan.

Napatingin ako sa unahan at may nakita akong dalawang upuan doon, may lamesa at maroong krus sa ibabaw nito at nasa likuran ng lamesa ay ang pari na nakatayo habang nakangiting nakatingin sa paligid. Kumunot ang noo ko.

May ikakasal ba?

Mabilis akong naglakad papunta roon at ganoon nalang ang pagkabog ng aking dibdib nang nilingon ako ng mga taong nakaupo sa kani-kanilang silya at ganoon nalang ang pagsinghap ko nang nakita kong ang mga taong iyon ay ang pamilya ko, mga magulang ni zion at mga kaibigan namin. Napangiti ako nang nakita ko sina ziona at myra na nakabestidang puti na may belt itong ribbon na kulay berde.

"Nanay! We love you!" Magkapanabay na sabi ng dalawa and I mouthed I love you too to them habang nalilito pa rin ako sa nangyayari at lalo pa akong nalito nang lumipad ang aking tingin sa taong nakaupo sa silyang puti na nasa gitna ng aisle.

His hair is brushed upward that made it look like a retro sytle, he's wearing a white polo longsleeves and a black trouser, his legs are crossed habang may gitarang nakapatong sa ibabaw ng hita niya. Nakangiti ito habang nagsa-strum pa rin siya ng gitara habang ang mga tingin niya'y nasa akin lang, sa akin lang nakatuon, hindi sa iba, walang iba kung hindi ako lang, sa akin lang.

Ibinuka niya ang kanyang mga labi saka nalang lumabas ang kanyang tinig, malalim, lalaking-lalaki at nakakabihag damdamin. His deep baritone voice captured our ears, our hearts.

"Kay tagal kong sinusuyod ang buong mundo para hanapin, para hanapin ka."

Napapikit ako dahil sa sobrang ganda ng boses niya. Napahawak ako sa dibdib ko dahil pakiramdam ko sasakit na ito sa sobrang patibok. Nao-overwhelmed ata ako sa nangyayari dahil hindi ako bobo para hindi alam ang ibig ipahiwatig ng nagaganap ngayon.

"Nilibot ang distrito ng iyong lumbay pupulutin, pupulutin ka."

Napalunok ako saka kagat-labi akong paunti-unting naglakad papunta sa kanya at sa bawat paghakbang ko ay ang paglawak ng ngiti niya. Agad siyang tumayo nang nakalapit ako sa kanya, hinawakan niya ang aking kaliwang kamay saka niya hinalikan ang noo ko saka at kumanta ulit.

"Sinusundo kita, sinundo.."

Ngumiti ako at siya naman ay ipinatong ang gitara sa upuan na inuupuan niya ilang sandali lang ang nakalipas. Lumuhod siya habang hawak-hawak niya ang kaliwa kong kamay. He smiled that made his big chinky eyes more chinky pero alam ko sa likod ng ngiting iyan ay ang kabang nakakasakit sa dibdib. Alam kong kinakabahan siya dahil sa lamig ng kanyang kamay katulad kong paano ang panlalamig ng aking kamay dahil din sa kaba.

"Will you marry me?"

Sino ba ako para tumanggi? Kahit na nakulong na ang gagong ito ng ilang beses ay hindi iyon naging hadlang para hindi siya habulin ng mga ahas sa paligid, kahit na sinabi na niyang may anak siya at asawa ay marami pa rin ang mga naging at nagiging desperada para lang makuha siya mula sa amin, sa akin at hindi ako ganoon kabait para ibigay sa kanila si zion. Akin lang si zion, akin lang. Amin lang siya.

"Alam ko malaki ang naging kasalanan ko. Muntik ba naman kitang mapatay? Pati na ang mga bata. Sino ba ang hindi makakalimot nun? Alam kong.. nahilom ko na ang sugat na naidulot ko sa'yo pero panigurado, may peklat itong naitira pero sana sapat na ang pagmamahal ko para tanggapin mo ako. Papakasalan kita ulit kasi gusto ko maranasan mo ang maikasal, maikasal ng normal katulad ng iba. Alam ko ayaw mo ng engrande kaya ito nalang ang naihanda ko." Aniya saka siya napakamot sa likod ng batok niya. "Pasensya na kung nasobrahan sa simple."

Island of TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon