Chapter 3

306 9 0
                                    

Chapter 3

Zion Caridad is only a name. Only a name pero para sa akin ang pangalang iyan ang nagpapatibok ng puso ko ng sobrang bilis. Kapag naririnig ko ang pangalang iyan ay pakiramdam ko punong-puno ng paro-paro ang tiyan ko.

Zion caridad is a man that everyone wishes to have. Having someone like zion caridad means contentment and happiness. You won't feel empty if you have him. Kapag kasama mo siya you will always feel safe at never kang mabo-bored. Malokong tao siya, masiyahin at parang happy go lucky lang pero kapag ginalit mo siya ay parang impyerno ang mararanasan mo.

His other side can make you feel unlucky and I am one of those persons who always see his other side. The other side that you'll regret knowing, his dark side.

Pinasadahan ko ng tingin ang pigura ni zion na nakatayo sa gitna ng hall. He's really a man that can stop your heartbeat. Everything in him can make you fall lalo pa't kapag tinitingnan ka niya gamit ang mga mata niyang parang binabasa ang kaluluwa mo, kapag sinusuklay niya ang buhok niya whenever he's frustrated, kapag nag-iisang linya ang mga labi niya whenever he's mad, kapag kumukunot ang noo niya whenever he's worried.

Zion caridad is now wearing a tuxedo and he's waiting for devilyn to come in and god knows kung gaano ko ipinagdasal na sana ay hindi pumunta si devilyn but everytime I remember na may bata sa sinapupunan ng hitad ay nakokonsensya rin ako sa mga pinagdadasal ko. But devilyn deserves what i am praying and wishing.

Nakita kong tumingin si zion sa direksyon ko saka niya tiningnan ang relo niya. Inayos ko ang buhok ko saka ko nilingon ang staff nitong isla na nasa tabi ko.

"Paki-check nga si ms. toralba sa labas at baka kinain na iyon ng mga piranha. Kainis! Masyado namang paespeyal ang babaeng iyon!"

Nahihiyang ngumiti ang katabi ko saka siya tumango at umalis na sa tabi ko para sundin ang utos ko.

Pakiramdam ko talaga ang sama ngayon ng pakiramdam ko, masakit ang ulo ko. Sino ba naman ang hindi? Kung buong gabi kang gising pagkatapos ay bumyahe ka pa papuntang maynila for your graduation day at pagkarating mo sa bahay ay litanya na agad ng nanay mo ang maririnig mo at pagkatapos ay babalik ka nanaman ulit rito sa isla para siguraduhing okay ang lahat. I'm so tired. So so tired. I'm tired mentally, physically, and emotionally. I'm so drained and exhausted.

Hilot-hilot ko ang gilid ng noo ko ng tumingin ako sa entrance ng hall dahil bigla itong bumukas at ang spotlight nga'y talagang pumukos kay devilyn. And after that ang mga petals ng bulaklak ay unti-unti ng umulan mula sa taas katulad ng plano.

Sinulyapan ko si zion and he's smiling widely, bakas na bakas ang saya sa mukha niya. I bit my lower lip when I saw how zion walk towards devilyn with so much love in his eyes and my heart ached big time when zion kneeled and opened the red velvet box with so much happiness, excitement and contentment. Napakagat nalang ako sa pang-ibabang labi ko as I caught one of the red petals from above, I blew it and watch devilyn and zion again who is now hugging each other.

Devilyn raised her ring finger proudly with so much glee. She proudly showed us her diamond ring at iyon na ang naging cue ko para tumalikod at maglakad papunta sa exit door. Tama na, enough na. I should stop hurting myself na, ang sakit-sakit na kasi talaga.

But this is not the right time to give up. Zion needs me now. He needs me.

Walang tigil lang ang luha ko sa pagtulo mula sa mga mata ko hanggang sa nakarating ako sa cr na hindi ko alam kung ilang oras akong tumagal sa loob ng cubicle. Nang napagtansya kong okay na ako ay bubuksan ko na sana ang pintuan ng may narinig akong nagsasalita mula sa labas and that voice is very familiar. Inilapit ko pa lalo ang tenga ko sa pintuan.

Island of TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon