Chapter 28
Nakangiti lang akong nakatingin kay zion habang mahimbing itong natutulog. Ito ang kauna-unahang gising ko kasama siya ng walang takot na baka magalit siya sa mga titig ko. Hinaplos ko ang pisngi niyang napakakinis, daig pa ata nito ang babae dahil sa sobrang kinis ng mukha niya.
Kagabi, alam ko hindi dapat iyon nangyari pero anong magagawa ko? Gusto ko din iyon, wala e. Mahal ko talaga siya. Kahit ano pa siguro ang gawin niya sa akin, masama man o mabuti, mamahalin at mamahalin ko pa rin siya kahit ga-islang luha pa ang iluha ko dahil sa kanya mamahalin ko pa rin siya.
Ganyan ako katanga magmahal.
"Keep doing that babe. You're making me hard here."
Agad akong napaupo nang nagsalita siya saka niya minulat ang mga mata niya. Marahan kong tinampal ang braso niya na ikinatawa niya lang.
"Gago ka! Ginulat mo ako!"
Ngumiti lang siya saka din siya umupo sabay hapit niya sa baywang ko para makalapit ang katawan ko sa kanya. Hindi kami hubad, naka t-shirt ako at pajama habang siya'y naka-boxer lang at nakasandong puti na panloob niya sa polo niya.
"Kung alam ko lang sana na ganito pala kasaya ang magising nang kasama ka. Sana..." Buntong-hininga niya saka niya hinigpitan ang pagkayakap niya sa baywang ko. "Mahal na mahal kita, priscilla. Mahal na mahal kita."
Ngumiti lang ako sa sinabi niya saka ko sinandal ang ulo ko sa balikat niya. Nakatingin lang kaming dalawa sa labas ng malaking bintana, kitang-kita namin ang paggalaw ng dahon ng mangga dahil sa malamig na simoy ng hangin.
Sabay kaming dalawa napatingin sa pintuan nang may kumatok dito saka nalang ito biglang bumukas. Napaayos naman ako ng upo saka kami nagkatinginan ni zion dahil sa pagkakaalam namin naka-lock kagabi ang pintuan e.
Napangiti nalang ako nang nakita kong sumilip ang kambal ko sa pintuan at nang nakita nila kami ay agad silang ngumiti ng malapad at tuluyan ng pumasok.
"Nanay! Tatay!"
Nginitian ko lang silang dalawa saka ako sumulyap sa pintuan nang nakita ko si kuya kiall na nakangisi habang winawagyway niya sa hangin ang susing hawak niya. Napailing nalang ako at siya naman ay sinara na ang pintuan.
Napatingin ako kay ziona nang bigla itong yumakap sa akin habang si myra ay sumiksik sa gitna namin ni zion. Tumingin sakin si zion nang nakangiti and mouthed those three words. Nginitian ko lang siya saka ko itinuon ang pansin kay myra na nakahawak sa kamay ni ziona.
"Nanay alam mo masaya kaming makitang kasama mo si tatay ngayong umaga."
Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni zion saka niya pinisil ang kamay ni ziona at myra na magkahawak.
"Gusto niyo ba palagi kami magkasama ni nanay sa araw-araw?"
"Oo naman!" magkapanabay na sabi ng dalawa saka nila kami mahigpit na niyakap ni zion. "Nanay diba dapat bukas pa ang birthday namin? Bukas pa ang twenty-five pero bakit kagabi.."
Napangiti nalang ako saka ko sinulyapan si zion na masayang-masaya na nakatingin sa anak naming nakayakap sa amin.
"Kasi plano namin three days ang celebration ang birthday ninyo dahil last year, hindi ko kayo nabigyan ng birthday party and i'm so sorry for that."
"Naiintindihan naman po namin nanay e." Ngiti nila saka sila ngumiti. "Nanay ang gusto po naming gift ay.."
Nagulat nalang ako nang bigla akong may naramdamang mga kamay sa tiyan ko at gayon nalang ang pag-iling ko nang nakita ko ang kamay nina ziona at myra.
BINABASA MO ANG
Island of Tears
General FictionReckless Barkada #3 "I hate your tears, it makes me crazy." - Zion Caridad Copyright © 2015 by AngelisticFantasy, All rights reserved.