Chapter 7

263 10 0
                                    

Chapter 7

Napaupo nalang ako sa gilid ng pintuan ng kwartong tinutuluyan ko matapos kung makitang nalinis ko na lahat ng sulok ng bahay. Napatanaw ako sa may dining table mula sa kinauupuan ko at napangiti nalang ng tipid. Natapos ko na lahat ng pinapagawa sa akin ni zion.

Siguro maaari na akong magpahinga? Ilang araw na rin akong walang pahinga dahil maraming pinapagawa si zion sa akin. Mabuti nalang at dito lang sa bungalow niyang bahay at mukhang nakalimutan na niya atang pinapatrabaho niya ako sa hotel at sa bar niya. Mabuti nalang at hindi niya naisipang maging tagalinis rin ako ng bawat cottages dito.

Ayokong mapagod ako ng sobra dahil hindi naman ako tanga para hindi malaman na bawal sa buntis ang magpagod at mastress lalo pa't nakakaramdam ako ng kaunting sakit sa may bandang puson ko nitong mga nakaraang araw mabuti nalang at hindi ako dinudugo at sobrang thankful ako doon.

Napatingin ako sa wall clock na nasa may pintuan papuntang kusina at mag aalas siyete na. Tamang-tama lang sa oras na ibinigay sa akin ni zion para ipaghain siya ng pagkain. Ayokong magkamali dahil natatakot ako sa maaari niyang gawin sa akin na baka maging dahilan pa ng ikapapahamak ng baby ko nagpapasalamat nalang ako na siya na mismo ang umiiwas sa akin. Kaya ko naman ipagtanggol ang sarili ko pero kahit alam kong kaya ko, kaya rin niya ako. Mas maalam si zion sa pakikipagbasag-ulo kaya kahit magaling ako sa martials arts wala akong panama kay zion. Kahit sa anong aspeto naman, wala naman talaga akong panama sa kanya.

Napapitlag ako ng bumukas ang main door ng bungalow at niluwa nito si zion. Agad akong napatayo at napasuksok sa gilid. He stared at me blanky for a minute saka niya hinakbang ang pagitan namin at binato sa akin isang paper bag. Kinunotan ko siya ng noo pero minyuswetra niya lang ang kamay niyang buksan ko raw ang paper bag so I did what he told at nakita ko ang isang puting polong longsleeves at isang plain na itim na skirt na alam kong maiksi.

"Hindi ibig sabihin na nandito ka lang nitong mga nakaraang araw ay kinalimutan ko na ang trabaho mo. Start your job as a waiter tonight." aniya lang saka niya ako binangga at pumasok sa katabing pintuan ng pintuan ng kwarto ko.

Napapikit nalang ako at napahilot sa sentido ko ng bigla akong nakaramdam ng hilo. Binuksan ko ang pintuan ng kwarto ko at napaupo sa kama habang hawak-hawak ko pa rin ang unipormeng bimigay sa akin ni zion. Nang naramdaman kong unti-unti nang nawawala ang sakit ng ulo ko'y napagpasyahan ko ng magpalit saka mag-ayos. Tiningnan ko ang histura ko sa salamin at napasimangot sa nakita kong imahe.

Para akong kaladkarin sa damit ko, hindi ako komportable sa ganito. Mas gusto ko pang mag-slacks kaysa ito. Masyadong hapit sa katawan ko ang puting polo na longsleeves, longsleeves nga siya pero iyong cleavage ko naman kita dahil iyong unang butones ng polo ay nasa may bandang cleavage ko na tapos itong skirt naman ay masyado atang maiksi. Ayoko nito! Hindi ako palasuot ng maiksi!

Napahawak nalang ako sa tiyan ko. Wala pa rin akong baby bump pero hindi na kasing flat gaya ng dati ang tiyan ko. Whatever happens, this life inside me will feel love gaya ng pagmamahal na pinaramdam sa akin ng mga magulang ko. Alam kong galit sila ngayon sa akin, disappointed pero alam kong mahal nila ako. Napabuntong-hininga nalang ako and grab my black jacket na nasa may maliit na stool sa gilid saka ako lumabas ng kwarto.

I saw zion sitting on the sofa habang hawak-hawak ang cellphone niya at mukhang may ka-video call ito.

"How are you? I'm really sorry for what happened to our baby.. If only I was there.. siguro--"

"Don't blame yourself like what I did. I'm sorry for blaming you zion. I was just so hurt losing our baby."

"I know, I understand."

Napakuyom ang kamao ko. Hurt losing her baby? E siya nga ang pumatay sa anak niya! Masarap talagang pudpurin ang pagmumukha ng babaeng iyon! Ano pa ba ang kailangan niya kay zion? He can't now marry zion! Hindi na niya makukuha ang lahat ng kay zion because I already worked for it without zion's knowledge. Kahit na nandito ako sa isla naisasagawa pa rin ang plano ko. Ano pa't naging mayaman ako kung hindi ko man lang magamit ang pera ko? Tulad nga ng sabi ni zion lahat kayang tapalan ng pera and i'm doing it now. I'm using money para tapalan lahat. Kung maduming maglaro si devilyn pwes madumi rin akong maglaro. Inumpisahan niya ako kaya tatapusin ko kahit na makapatay ako.

Island of TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon