Chapter 26

434 6 0
                                    

Chapter 26

"Nanay bakit wala rito si tatay?"

Binaba ko ang tingin ko kay ziona na hinilahila ang laylayan ng damit ko. Eksakto namang luto na ang piniprito kong bangus kaya pinatay ko na ang gas stove at saka ko binuhat si ziona at pinaupo sa isang stool katabi ni myra.

"Si tatay kasi may kailangang gawin. May binabayaran kasi siyang utang."

Kumunot ang makinis niyang noo na ikinatawa ko saka ako tumalikod at hinarap ang kawali kung nasaan ang pinirito kong isda. Nilagay ko ito sa isang pinggan saka ako bumalik sa pwesto ng dalawa.

"Utang po? Diba po ba maraming money si tatay?" inosenteng sabi ni myra na ikinatawa ko. "Basta may binabayarang utang si tatay ninyo. Kumain nalang kayo para pagkabumalik na si tatay, may premyo kayo."

"Talaga po?"

Ngumiti naman ako saka ko marahan na kinurot ang pisngi ng dalawa.

"Oo."

"Pero.. nanay.."

Napatingin ako kay ziona na nakatingin sa pinggan niya habang pinaglalaruan ang kutsarang hawak niya. Sinuklay ko ang mahaba niyang buhok kaya umangat ang tingin niya sa akin.

"Pero nanay.. makakasama pa po ba talaga natin si tatay? Nakakulong po siya--"

"Ziona!" putol ni myra sa sasabihin niya.

Sumimangot naman si ziona saka niya tiningnan si myra.

"Ayokong magkunwaring walang alam, myra. We both know na nakakulong si tatay at hindi natin alam kung hanggang kailan siya doon."

Bigla naman sumikdo ang sakit sa puso ko nang makita ang hitsura ng kambal. Para silang basag dahil sa mga sinabi nila.

"Ziona.."

Ibinaling ni ziona ang tingin niya sa akin saka niya hinawakan ang braso ko gamit ang maliliit niyang kamay.

"Nanay, i'm sorry. Nagtago kami ng secret from you."

Naramdaman ko naman na niyakap ako ni myra at ganoon din si ziona. Napabuntong-hininga nalang ako. They're only 6 years old pero may ganito na silang dinadala. They're only six years old pero nakakaintindi na.

It's been two years simula nang nagising si ziona at naoperahan. Oo, talagang umabot kami sa heart surgery dahil sa lumala ang kalagayan nun ni ziona, zion almost took suicide because of that. Masyado siyang na-depressed sa nangyari kay ziona at ipinangako niya sa sarili niyang bibigyan talaga niya ng hustisya ang anak namin magising lang ito. At nang nagising na si ziona ay talagang tinupad nito ang pangako niya sa anak namin dahil nanalo kami sa kaso laban kay zion at dahil doon ay hinatulan siya ng reclùsion temporal dahil sa pagkakasala ng frustrated o attempted murder, rape at adultery. Humarap kaming lahat sa korte, nagsalita ako at si zion naman ay inako lahat ng iyon.. lahat ng kasalanan niya sa korte. Umapela pa nga ang mga kapatid ko dahil nararapat raw kay zion ay reclusion perpetua pero siguro.. dahil sa inako niya ang kasalanan niya o di kaya'y may kapit sila kaya bumaba ang parusa sa kanya, labing anim na taon nalang kasi siyang makukulong imbes na habangbuhay.

"Nanay nandito sina lola at lolo!"

Agad akong napatingin sa bukana ng kusina at nakita ko mula sa kinatatayuan ko na pinapatong ni mommy na mommy ni zion ang isang malaking papaer bag sa roundtable na nasa dining room. Agad ko namang inalalayan sina ziona at myra ng dali-dali itong nagsibaba sa mataas na stool na kinauupuan nila.

Magiliw na nagtatakbo ang dalawa papunta sa lolo't lola nila. Kung buhay lang sana sina mommy't daddy. Napabuntong-hininga nalang ako saka ko dinala ang pinggan na may pritong isda at ang dalawang pinggan nina ziona at myra papunta sa dining saka ko nilagay sa babaw ng round table ang mga bitbit ko.

Island of TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon