Lahat ng tao ay magkakaiba,walang kaparehas
Walang katulad.
Pero minsan sa isang bagay ay nagkakatulad,sa paghahambing sa iba.
Bakit kaya ang mga tao hilig tayong hinahambing sa iba?
Hindi ba nila alam o nakakalimutan lang nila na hindi tayo parehas ng iba.
Kapag may mali ka alam mo na ang linya nila,
Sasabihin nila na bakit kaba ganyan tignan mo si ano ganun!
Na kung minsan ay gusto mo nang sumagot dahil nasasaktan kana,sasagot ka na "bakit mo nako ikinukumpara sa kanila?!" Pero hindi mo masabi,at mas pinili mo nalang manahimik.
Ang sakit isipin na bakit kailangan kang ikumpara sa iba?
Bakit ako ikinukumpara,perpekto ba ang iba?
Tas ako lang ang kaisaisang nagkakamali?
Diba dilang ako,sila rin nagkakamali!
Pero bulag kayo sa mga tama ko
At ang lagi nyo nalang napupuna ang mali ko.
Pero sa iba tama nila ang pinupuna.
At kinakalimutan ang mali nila!Sa pagkatao,panlabas na anyo ang madalas na pinupuna.
Hindi mo sila maintindiham para masabihan kang maganda ka!
Kapag maputi ka sasabihin nila kailangan maitim ka para maganda ka,pero nung umitim ka sabi nila kailangan maputi ka para maganda ka.
Kapag mataba ka sasabihin nila kailangan payat ka para maganda ka,pero nung pumayat ka sabi nila kailangan mataba ka para mas maganda ka.
Pag tuwid ang iyong buhok sabi nila mas maganda ka kapag kulot ka,pero nung nagpakulot ka sabi nila mas maganda ka kapag naka-rebond
Kapag wala kang make up sasabihin nila kailangan mong mag make up para maganda ka,pero nung nag make up ka mukha ka daw clown
Ang hirap isipin kung anong gagawin para masabihan kanilang maganda.
Pero ang hirap pala,ang hirap nalang maging perpekto.
Kasi nga walang taong perpekto.Maraming salamat po sa pagbabasa!
QUEENPRINCESS here~~
Ahmm first time ko pong mag publish,kaya pasensya po sa mga typographical errors,hope you like it guys.tanks po.
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry
PoetrySa pamamagitan ng pag-gawa ng tula ang aking nararamdaman ay naisusulat.