wattpad

740 12 1
                                    

Hindi ko alam kung kailan,paano,at bakit ko pinasok  ang mundong kahit kailan ay imposibleng maging mundo ko rin.

Ito ang mundo kung saan marami ang gwapo at magagandang nilalang.

Ito ang mundo kung saan nakatira ang aking mga boyfies,mga boyfies kong gwapo at may six pack abs.

Mundo na maraming bad boys,pero ang sabi nga nila kapag ang bad boys nagmahal pati asin  ay lalanggamin.

Mundo na puro gangster,mga gangster na nagsisigwapuhan,gangster na masarap at tunay magmahal.

Mundo na kung saan ay mala impyerno pero pagmamahalan ay umusbong.pagmamahalang tapat at totoo.

Ang lalaking hinahabol ng mga puso.

At marami pang makikita,makikilala at matutuklasan sa mundong ito.

Ito ang mundong nais  maging mundo ng iba,pero itoy hanggang tanaw lamang ng kaisipan.

Mundo na kahit may mga kababalaghan ay nais parin pasukin,kahit na may spg ayus lang makasama  lang ang minamahal na asawa!

Sa mundong ito ay makakakilala ka ng maraming kaibigan,mga kaibigan na kahit malalayo ay hindi ka makakalimutan.

Makakakilala ka rin ng mga magaganda at mga gwapong author at syempre mga magagaling na manunulat,mga istorya nila na magpapaiyak,magpapatawa,magpapagulat,magpapakilig,magpapabilib at higit sa lahat ang iibigin mo.

Mga author na mahal na mahal ng ilan sa marami,mga author na iniidolo ng ilan sa marami.

Ito ang mundong masaya,mundong maraming kwentuhan.

Ito ang mundo ng wattpad

Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon